Sister in law
Hi po, hingi lang ako ng advice kase yung sister in law ko may sarili na ring pamilya 3 na anak nila pero hingi pa din ng hingi ng pera sa husband ko at sa nanay nila. Eto namang husband ko pag may sobra kaming pera, nag bibigay lagi (300,500,1000) sakin nman po wala namang masama kung tutulungan yung sister in law ko pero kase sumosobra na, sa isang buwan parang 3 to 5 times nanghihingi. Pinag awayan na namin to noon ng husband ko sabi ko hindi niya obligasyon ang pamilya ng kapatid niya dahil may pamilya na kami. Nung una, nagbibigay pa din pero ngayon naman luckily, narealize ng husband ko na sumosobra na nga yung kapatid niya pero hanggang ngayon nangungulit pa din yung sister in law ko. Ayoko naman mag salita or pagsabihan dahil ayoko mag karoon kami ng sama ng loob sa isat isa. Ano po kaya magandang gawin? Should I confront my sister in law?