Biyanan problems

Hello po, Gusto ko lang po sana humingi ng advice sana po may sumagot. So yun nga po, me and partner has been dealing with a minor argument na i know mafifix pa sana but instead of talking to me, nagsumbong sya sa papa nya. Nung sinumbong nya, nakisawsaw si papa nya as if he know the whole thing. He then insulted me telling me na hindi pa naman kami kasal ng anak nya, wag na daw kami magsasama, tapos pasalamat daw kami nakatira kami sakanila ng libre. Which is sobrang nakakainsulto po sa part ko kase po may baby na po kami tapos ganyan po mag advice yung papa nya. That time I was just seeking for my partner’s attention po kase the whole day, nagsusungit po sya tapos hanggang matutulog nalang po kami, hindi pa din maayos pakikitungo nya saken. Is asking for affection too much po ba? The morning after po, umalis po kami ng baby ko kase hindi na po talaga namin kaya yung emotional abuse sa bahay na yon considering na may kinakasama din po kaming lola nya na sobrang pakealamera din po as in lahat ultimo mannerism mo, papakealaman. Ngayon po binabawalan po ng papa nya yung partner ko po magkaroon ng connection samin as in ichecheck nya po everytime yung phone kung nag uusap pa kami. Itatakwil nya daw yung anak nya if ever nakita nyang nakikipag usap pa samin. He even made up stories such as sinaktan ko daw mama nya, hinuthutan ko po yung anak nya which is hindi naman po totoo kase sa gastos po sa baby namin, halos ako po sumasalo kase sobrang liit ng sinasahod nya. Kahit nung magjowa pa po kami I don’t want him to spend something on me kase ayokong magkaroon ng utang na loob.Mind y’all po, we’re already at the legal age po. We’re both 21 at may 8months old baby na po kami.Is it okay for his father to interfere and worse, advice such knowing na may anak po kami? #advicepls

Biyanan problems
29 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

psh share ko muna.. nagbubuntis ako nun 4 months. nagaway kami dahil sa paninigarilyo nya. nakisawsaw mama nya parang alam nya din lahat saamin. minura pa ako.. kaya ngayon wala akong ganang makisama sa mama nya. nakakabastos ang tumira dito sa kanila kasi parang angbabaw tingin nila sakin kasi wala akong naibibigay finncial since wala akong work. ito naman magaling kong kalive in partner nagsabi nang pinagaawayan namin nung nagtanung mama nya kaya kinunsinti pa sya at pinagisahan ako.. depress ako nun sabi ko pag naulit pa un d nako magdadalawang isip makipaghiwalay. ngayon nagmamakaawang wag kung gawin un. kaya ansama nang loob ko dito kasi sa ugali nila.. parang lamang sila kasi pinapakain ako pwede nako pagsabihan nang ganun? sa side nang family ko never ako ginanun.. ibang iba talaga ugali nila dito saamin kaya ngayon nagtitiis nalang ako makisama dito hanggang pwede nang bumyahe sa amin.. advise ko sis.. very immature nga naman ung ganung away nyo ipagsasabi pa sa magulang lalo na may anak kayo. kausapin mo asawa mo kung tama ba ginawa nya.. kung alam nyang mali, sana manlang itama nya para sa ikatatahimik ninyong dalawa. like ano ba? bata pa ba sya para magsumbong sa magulang nya.. kung mahal ka talaga ayusin nya sana ung problema. na ipaliwanag sa papa nya na ayus na kayo at iniisip nya ung bata (syempre ikaw din mommy) nasa lalaki un na makipagusap sa papa nya para malinawan papa nya. and we deserve affection and obligasyon un nang lalaki ang iparamdam ang safety at love nya sa magina.

Đọc thêm

ganyan din ako. mas kinakampihan pa niya ung parents niya kesa sakin. kahit wala ka naman ginawa mali. maliit na bagay pinapalaki nila. naalala ko nun. kakain kmi ako nag hahain. lagi ako sinasabihan ni hubby na ang bagal ko kumilos paulit ulit. syempre kapag sobra na hirap na magtimpi. sinabihan ko ung hubby ko na "ano ba?! bat di ikaw kumilos dito! lagi ka ganyan sakin" nakisawsaw ung byenan ko babae. ang bastos ko daw. eh alam naman niya ung ginagawa sakin ng anak niya. tas pinag impaki nako ng asawa ako. na parang ako pa mali. to naman byenan ko di pinipigilan anak niya. parang gusto pa niya ako umalis sa bahay. lagi ganun. kapag ganun kami lagi ganun ginagawa sakin pinag iimpaki o kaya sinasabi na dun na ko sa magulang ko. kahit ano gawin mo yung mindset nila ibaba ka ng ibaba. di ka nila itataas. lagi naghahanap ng butas para sabihin na masama ka. kahit sa pag aalaga ng bata ganun. hindi nakikinig sakin hubby ko kahit ano sabi ko saknya ano trato sakin ng parents niya. wala siya paki. gumagawa lang daw ako issue.

Đọc thêm

not to offend you or anything pero real talk. I have a 14 yr old son and we let him have his phone privacy. si husband mo 21 na nakiki alam pa parents sa phone? It's probably a good thing na hindi ka pa kasal as of now cause I don't think it will be a good idea as of the moment specially your partner depends so mich pa sa parents nya. It's good that he opens up to his parents but for them to interfere in your relationship and hayaan sila ng partner mo is a Big No No. Give both yourselves time to be separated from each other think things through before making future actions. Praying that things get better 🙏😘

Đọc thêm

Ganyan ex ko. Kesyo itatakwil daw siya, etc. Nakikialam daw parents nya sa phone nya pero ang totoo pala sinabi lang nya yun kase nagka balikan na sila ng gf nyang japayuki. Nalaman ko sa mismong tatay nya nung nakausap ko. Hinayaan ko nalang kesa mahirapan ako kaiintindi sa mga lies niya. Mga ganyan klaseng lalaki hindi pa sawa sa pagka binata at wala siyang maidudulot na maganda sa inyo ng anak mo kaya hayaan mo na siya. Get a job. Raise your child. Pakita mo sa kanya o sa magulang nya (kung totoo man sinasabi ng partner mo) na kaya mong tumindig para sayo at sa anak mo. Na hindi mo sila kailangan. Kaya mo yan!

Đọc thêm

Mali ng partner mo. let him deal with that.. mukhang immature pa partner mo para mag sumbomg ng maliliit n bagay lang pala. .bad thing lng na affected din kayo.. d mo nmn masisisi parents Niya dahil bka overprotective din sila sa anak nila.bka Kung ano ano sinabi Ng partner mo para mag react ng ganun dad Niya..hayaan mo siyang ayusin Niya gulong ginawa Niya... and Hindi k pa kasal sa anak nila kaya blessing in disguise.. ikaw lng mahihirapan makisama sa ganyang pamilya. humingi k n lng Ng support sa tatay Ng anak mo for the meantime n Hindi p Niya naaayos gulo.

Đọc thêm

alam mo sis , walang decision yung partner mo sa buhay tsaka may obligation talaga sya kasi may anak na kayo pero sa magulang parin niya siya nagsalig , ang gawin mo lumayo ka sa mga taong toxic kasi it's not good for the bby na parati kang stress sa mga magulang nyang pakialamera kya umalis ka dyan , total kaya mo naman buhayin si bby na ikaw lang magisa dba , kaya gawin mo ang tama tsaka pagusapan nyo ni mister yung problema. Pakatatag ka momsh , i know you can do it☺😘

Đọc thêm

sa totoo lang mahrap tlga magdecide lalo na pag may anak na kayo..pero sa asta ng lip mo at ng papa niya..ang toxic nila parehas..d dapat ganyan asta ng byenan mo lalo na lalaki pamandin sya dapat tinuturuan niya anak niya maging maayos at responsableng ama..lip mo naman napaka immature walang paninindigan..kung ako yan..di naku magpaparamdam pa..kaht ipakita anak ko kht knino sa knila..la naman kwenta eh..darating dn naman tyme sila din hahabol at hahanapin presensya mo.

Đọc thêm

Soos yung tatay ng partner ko talagang nakakairita! Kalalaking tao tsismoso! Kapag umaalis ako tsinitsismis nya ako. Akala mo naman totoo yung mga sinasabi.🤥 Eh sariling pamilya nya nga ayaw sa kanya. Masyado talaga! Tapos my time na napuno na talaga ako, kasi nalaman ko sa mga apo nya na kung anu2x sinasabi about sakin yun pinaringgan ko. Eh hindi naman pala makakibo. Na tandog iyang garbo. 😤😏 Buti nlang talaga mababait yung mga anak at asawa niya.

Đọc thêm

Tingin ko Sis layo kna lang muna sa kanila. Cut ties muna and bigyan mo ng space ang sarili mo.. alagaan mo na lang si baby sya na lang muna isipin mo... kung di magpapakalalaki ang partner mo mauulit at mauulit lang yang ganyang pangyayari sau.. manindigan ka sis, kaya mo yan.. pag tagal marerealize mo na mas okay pang magisa ka lang mag alaga kay baby.. tama sila you deserve better.. dedma mo na muna sila

Đọc thêm

May anak na kayo, pero sumbong parin sya kay mommy and daddy para makuha nya gusto nya? Tapos chine-check yung phone nya ng daddy nya? Feeling teenager pa po ata partner nyo. Wala po kayong mapapala jan. You don't want a little boy raising your kid. Tapos po, sinusungitan kayo? Para pong naghahanap sya ng reason para makipagbreak sa inyo kasi ayaw na nya ng responsibility. Ginamit pa yung magulang nya.

Đọc thêm