Trying to Conceive...
Hello po Good evening ☺️ Gusto ko lang mag share. Medyo mahaba lang hehe Last year, naka-experience ako ng almost 2 months delay though alam ko naman na irregular ang menstruation ko ever since, so I decided na magpa-check up to know what's wrong kasi first time ko maranasan yon, kinabahan kasi baka nag fail yung withdrawal method namin ng partner ko but I tried using PT before ako mag consult puro negative naman lahat ng result. So ayun nga niresetahan naman ako ng pangpa regla at after ko itake yung medicine nagka-mens na ulit ako kaya hindi na ko bumalik for follow-up. Ever since nag start kami ng partner ko mag *, never sya nag-try sa loob, always withdrawal. But this time, after namin maikasal ng partner ko last October, we tried sa loob kasi gusto na namin pareho mag baby. And na-experience ko ulit yung super delay, August pa ako huling nagka-mens, after non buong month ng September until now, wala pa rin akong mens. To be honest, sa buong 5 years naming pagsasama ngayon lang namin itinry yung sa loob. First month pa lang na na-delay ako after we do it, again I tried using PT, but sa tatlong PT na natry ko negative palagi ang result 😭 kaya natatakot ako na mag try ulit kasi baka madisappoint lang ako. Naka-schedule naman ako for check-up tomorrow, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, kinakabahan ako 😔 pero naisip ko if will ni Lord, ibibigay at ibibigay naman Niya yung wish nmin pareho ng partner ko. Feeling ko hindi ako makakatulog ng maayos kakaisip. But I am continuously praying 🙏 Thank you po.

