Allergy / Rashes na pabalik balik

Hello po. Good day! Magtatanong lang po ako kasi super stress na po ako. Yung baby ko po kasi ay 1 month & 15 days today. May nga lumalabas na pula pula po sa balat nya. Nagstart ito nung sept 11 as in buong katawan po nya may pula parang pantal. Then nagpacheck up po kami sa pedia ang sabi need iconfine hindi po ako pumayag tapos pag uwi ko po nakita ko nag fade na ung mga pula nya sa balat then after ilang araw tottally nawala na tas tumagal ng 2 weeks na hindi sya nagkapula. Then nitong sept 25 lang nagstart na ulit magpabalik balik ung pula nya pero unlike sa nauna hindi sya ganon kadami kumbaga e pasulpot sulpot sa parte ng katawan nya. NAN po ang gatas ni baby since first day and wala naman po noon. Nagpapedia ulit kami and inadvise na palitan gatas sa isomil kasi baka allergy sa cows milk. Kaso after non meron parin sya. So balik kami sa pedia kahapon and inadvise na palitan ulit into enfamil gentlease kaso this morning meron na naman hanggang sa ulo nya. Pero parang hindi po sya makati e kasi di naman po dya nagliligalig. At Good thing naman po is hindi sya tinatabangan dumede. Please help me po baka po may same case sa inyo at matulungan nyo po ako. Pls share po kung ano ginawa nyo. Super stress na po ako at naaawa narin po ako sa baby ko. Thank you in advance. Godbless!

Allergy / Rashes na pabalik balik
23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Makinig ka po sa pedia nya, nung sinabing iconfine, dapat po pinaconfine nyo. Kaya di po gumaling. Tapos sasabihin mo super stress ka na ngaun. Pwede kasing hindi lang yan allergy, kaya sinuggest ka iconfine. Kawawa naman si baby.

Influencer của TAP

dapat mommy pina confine nyo na po pedia na po ang nag sabi baka po mamaya pag di naagapan mas lumala pa po yan. baka viral infection po kaya ibalik nyobpo mommy sa pedia para mabigyang lunas po si baby.

nagpa check up ka tapos yung sinabihan ka need iconfine hindi ka pumayag ano kaya yon🥴 sundin mo kung ano sinabe sayo hindi ka naman nila sasabihan kung wala sila nakita sa baby mo hay nako mamii

mi mag pa check up po ulit kayo, kung papalitan ng gatas at ganun parin hindi na po ata normal na allergy yan, or allergy pero hindi sa gatas, hindi po makakasagot ang mammy community nyan.

Always follow what the doctor’s says. Kc una they are medically knowledgeable than us here. You can visit pedia derma that specializes with baby’s skin conditions, meron yan sa st lukes

Bakit hindi nyo sinunod ang pedia na dapat iconfine. Kasi imomonitor nila kung ano reason ng pagpantal ni baby, hindi komo nawala ng saglit ay ok na. Mahirap magsisi sa huli po.

dapat Pina confine nyu po mie kasi may mga test yan na gagawin kay baby kong anu kalagayan nya.. mas alam kasi nla yan kysa pabayaan nyu po baka lumala pa po kayo din.

change bath ka mii di hiyang si lo mo sa previous sensitive cguro skin niya try mo itong tinybuds rice baby bath 💯 all rice natural yan nakakakinis ng balat

Post reply image

mii makinig kayo sa doctor o pedia kasi sila.nakakaalam. mahirap irisk ang buhay ng sanggol dahil lang ayaw natin mapagastos 😟😔

Try nyo ponsyangnipa CBC, hndi po ba kayo binigyan ni Pedia ng antihistamine for baby po?