Pelvic Utz
hello po. FTM. Masakit po ba talaga pelvic Utz? Nagpapelvic utz po ako kanina, madiin po kasi pagkakagawa sakin. Ganun po ba tlaga yun?
yung sakin sobrang diin lalo na nung cas (congenital anomaly scan) paulit ulit na madiin tiniis ko lang, overweight kasi ako. nahirapan makita si baby dahil makapal yung taba ko sa puson. gusto ko lang din sana malaman kung okay lang ba yun kay baby kasi even after ng cas ko, medyo nag stay yung sakit ng pagkakadiin sa puson ko. pero healthy naman ang baby ko, 33 weeks na ako ngayon tapos yung cas ko ay nung 27 weeks ako. sana may makapagbigay pa ng advise or sagot or same experience from overweight/obese moms-to-be.
Đọc thêmtingin ko o pansin ko, s public hospital yan. both public & private ako nag ppa monthly check ky baby for the record at for option. s public ang bbigat ng kamay ng mga nurse😅
ftm here to , ako po di po ako nasaktan , baka depende sa Dr. or unless may infection ka po kAya ka nasasaktan. dapat po nagsabi po kayo sa nagtransV sayo na masakit po
kung maliit pa po ang tyan or mahirap.mahanap yung gustong hanapin ni sono usually nadidiinan talaga. pero sa expereimce ko di naman ako nasaktan nungalaki na tyan ko.
Kapag hindi po mahanap hb nadidiinan po talaga lalo kung first time po pero sa mga susunod po parang wala ng mararamdaman
minsan po dinidiinan po nila kase kapag nahihirapan madetect yung heartbeat
ako nagpapelvic last July 7 , di Naman po masakit kahit diniinan ni doc
ilang weeks po pwedeng magpa pelvic ? mag 15 weeks napo kasi ako
Baka po di mahanap yung heartbeat kaya diniinan.
hindi naman mii, sakin parang wala lang