Slight Fever or Not?
Hello po. FTM here. Body temp po ni LO is 36.9 deg. atm. Mainit po ung ulo nia pero hindi ung muka nia and body nia. Should I provide her with paracetamol na ba? :( Also, masama ba na everyday pinapaliguan si LO? My LO is a 10week old baby. Thanks po sa makakapansin. Worried mom lang po. :(
Baby ko ganyan din. Pero sabi ng pedia niya, bigyan lang ng paracetamol as needed, pag 37.5+ na ang temp. Si baby rin e mainit ang ulo pero katawan malamig pero 3 months na si baby.
Yes pwede mo na po painumin gamot mataas na po lagnat nya at pwede naman maligo everyday wag lang pagka my lagnat chaka mabilis lang dapat wala pa 10mins. at maligamgam tubig po gamitin.
Normal temp yan pag 37.8 tsaka magbigay ng paracetamol pag ganyan n mainit yung singaw ng ulo punas lang mommy at everyday talaga pinapaliguan si baby.
Normal temp ng bata 36.5 - 37.5, pag sa ospital yan lalagyan pa yan ng droplight (dilaw na ilaw na mainit ang nilalabas, yung parang sa sisiw).
Hindi na slight fever yan , dalhin ninyo sa ospital lalot baby pa dyosko inuna pa magpost taas taas na ng lagnat ng bata 👎
Te 39.6 po yan kagabi inedit nalang ikaw ang suska!! Late na kayo magreply wag pabida!
Thats normal.mamsh... and mas okay if everday ang ligo ni baby from birth...
37.8 nirecommend samin ng pedia na magstart magbigay ng paracetamol
Ok lang po yang temp niya mommy. Everyday niyo po siya paliguan...
nothing to worry, normal temp.. paliguan evrydy is okay dn po
37.5 ang sinat ng baby kaya normal po yung body temperature niya.
Mej nag woworry lang po kasi ako Mommy kasi usual body temp nia is 36.5 ganon and iba ung heat ng ulo nia kasi. Mabuti na lang at hindi naman sya fussy ngayon.