Masakit na puwit
Hello po. FTM here. 32 weeks buntis na po ako. Kumain ako kanina ng fried egg na may kamatis with saging and milk po para sa breakfast kasi kailangan ko na mag diet. Nung pagkatapos ko kumain at patayo na sana ako, biglang sumakit yung puwit ko. Hindi sa mismong butas ng puwit kundi yung magkabilaang pisngi at mga buto. Nahihirapan ako lumakad, umupo or tumayo. Kahit nga po mag iba posisyon pag natulog nasasaktan ako sa bandang puwit. Normal po ba ito? So far wala naman akong ibang nararamdaman at wala ring spotting.

