Nakainom Ng Tubig Si Baby.
Hello po. First time ko mag post dito. Kinakabahan kase talaga ako. Habang naliligo kanina, aksidenteng nakainom ang aking 2 month old baby ng tubig. Di bale ung nakakatulong ko sa paliligo, imbis na sa leeg ibuhos ung tubig, sa bibig ni baby naibuhos. Nalunod si baby at tingin ko nakalunok talaga sya ng tubig. Pero after maligo, okay naman sya at nakatulog naman. Dapat ba ko mag alala? May sintomas ba na nakasama ung pagkakalunok nya ng tubig? Salamat po.
Mumsy of 1 handsome little heart throb