7 Các câu trả lời

HOW TO INCREASE BREASTMILK SUPPLY Marami sa mga bagong panganak lalo na sa mga first-time moms ang nagtatanong kung ano ba ang dapat gawin upang lumakas ang gatas. Ang karaniwang senaryo ay ganito: ● Paano po ba lalakas ang gatas ko? Kasi parang walang nakukuha si baby. ● Paano po dumami ang gatas? Kasi si baby parang hindi masyadong bumibigat. ● Ano po ang pwede kong inumin para dumami ang gatas ko? Natatakot kasi ako dahil wala nang tumutulo at hindi na tumitigas ang suso ko. Sa unang araw ng paglabas ni baby sa mundo, ang unang makukuha niya kay mommy ay ang tinatawag na "colostrum" o yung kulay dilaw na gatas. Mahalagang makuha ni baby ang colostrum ni mommy dahil ito ang pinakamasustansyang parte ng gatas. Sa unang anim na linggo (6 weeks after delivery), kailangang mapasuso si baby hangga't gusto nya. Sa loob ng anim na linggo, hindi pa established o stable ang milk supply ni mommy kaya sa mga panahong iyan mapapansin na tumitigas ang suso (engorgement of breast) at nagle-leak o sumisirit ang gatas. Kapag hindi napasuso ang bata nang madalas o base sa kagustuhan niya, kaunting gatas lamang ang mapo-produce. Paglipas ng anim na linggo, stable na ang supply ng gatas at magbabase na lamang ang production sa needs o demands ni baby. Kung ating mapapansin, hindi na kasing tigas ng dati ang suso natin at hindi na gaanong nagle-leak o sumisirit. Ano nga ba ang paraan para dumami ang gatas? FEED ON DEMAND o kaya naman ay UNLILATCH. Opo, yan ang pinakamabisang paraan para maparami ang gatas. Ang pagproduce kasi ng gatas ay nakabase sa law of supply and demand. The more na sususo si baby, the more na magpo-produce ng gatas ang suso. Maliban sa unlilatch, kailangan ay laging hydrated ang nanay. Mas mainam kung iinom ng tubig bago at pagkatapos sumuso. Kumain din ng naaayon sa oras at huwag gutumin ang sarili. Maaaring kumain ng masasabaw na pagkain na may halong malunggay. Important Points: ● Sa mga unang araw matapos isilang ang sanggol, asahang hindi pa sisirit ang gatas. Paano mo malalaman kung may nakukuha si baby? Sa pamamagitan ng kanyang ihi, poopoo, at pawis. Bilang pandagdag, sa loob ng anim na linggo, kailangang araw-araw na dumudumi ang bata. Pagkalipas ng panahong iyon, kung exclusively breastfed ang bata (gatas lamang ng ina ang iniinom), normal lamang kung hindi araw araw ang pagdumi dahil mabilis ma-absorb o ma-digest ng katawan ang breastmilk. ● Ukol sa timbang ng batang breastfed, kung ang timbang niya ay nasa normal range base sa weight chart at masigla naman at hindi sakitin, walang dapat ipag-alala. Ang breastfed baby ay normal na hindi tabain. ● Kapag hindi na tumitigas ang suso at hindi na sumisirit ang gatas, ibig sabihin ay established na ang milk supply ● BAWAL uminom ng tubig ang sanggol bago mag anim na buwan (6 months) dahil sa pangamba ng water intoxication ● Hangga't maaari, BAWAL mag-pump sa loob ng 6weeks pagkapanganak dahil baka magkaroon ng oversupply at baka magbara ang daluyan ng gatas na maaaring mauwi sa mastitis. ● Hindi nawawalan ng nutrisyon o sustansya ang gatas ng ina ● Walang bawal kainin ang isang nagpapasusong ina maliban na lamang kung may epekto sa bata tulad ng allergy ● Hindi bawal uminom ng alak pero dapat ay hinay hinay lang. Huwag paaabutin sa punto na malalasing at hindi na maaalagaan si baby ● Kahit may lagnat ang nanay, pwede siyang magpasuso ● Kung nagpapasuso, huwag basta basta iinom ng gamot. Laging i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot para malaman kung compatible ito sa breastfeeding ● Hindi napapanis ang gatas na nasa LOOB ng suso Isinulat ni : Van Mallorca PS: Nais ko pong magpasalamat sa BREASTFEEDING PINAYS sa mga kaalamang ibinabahagi nila sa mga nagpapasusong ina tulad ko 😊 #NormalizeBreastfeeding (Credits to rightful owner of photo)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-120575)

may nakapagsabi nakakadagdag pa nga daw ung chocolate ng gatas. pero diko lang alam kung totoo. kasi dami din ako nababasa na nakakarami din ung milo.

wala pong bawal itake na food, kahit ano po po pwede, myth lang po yun. based po yan sa nabasa kong article

meron din nagsabi yung sinigang,bawal din daw?umiinom ako ovaltine nman 2-3x daily, tingin ko naman nakakahelp sa supply ng BM ko.

bawal sinigang kasi maasim

d naman sis. kain din ako ng kain ng chocolate pero okay ang bm ko d naman humina

Super Mum

pwede naman basta in moderation

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan