Internal Examination
Hello po, ask ko lang. rate 1-10 gaano kasakit ang magpa-IE?? 37weeks and 1 day here. ☺️ Thank you. #firsttimemom #firstbaby #teamdecember2022

Depende. Yung first IE sakin nung nasa 11 weeks ako, nagspotting kasi ako non and need icheck ni ob kung nagopen cervix ko (thankfully, close naman) hindi masakit. Di ko napansin kung naglagay sya nga lubricant eh pero madulas lang yung pagpasok ng kamay nya kaya hindi ganon kasakit. Tolerable naman. Yung second IE ko (37w2d) SOBRANG SAKIT AS IN. Medyo dry kasi and hindi ko narelax yung muscle ko non kasi pinasok nya agad (ibang OB nag IE sakin) as in nakakaiyak sa sakit. Mas lalo lang daw ako masasaktan pag hindi ako nagrelax at medyo pinipigilan ko yung daliri nya. 3rd IE ko (38w1d) hindi masakit. Sya yung OB ko talaga. Smooth lang din yung pagpasok ng kamay nya at medyo basa din kasi yung akin since nagkakawatery discharge ako kaya need nya icheck if amniotic ba yung nagleleak and if open cervix na ko. So I guess depende sa wetness/dryness ng vagina mo, and depende sa kamay ng OB mo.
Đọc thêm