Hello po. Ask ko lang po kung may karapatan ba ang lolo or lola ng bata hiramin yung bata? Baby po actually. Turning 6 months. Yung mother po ng tatay ng anak ko nagbanta kasi papabarangay daw ako pag hindi ko pinahiram sa kanila yung baby ko. Karapatan daw nila hiramin kasi sa anak nila nakaapelyido yung anak ko. Nakipaghiwalay na po kasi ako kay lip kasi paulit ulit ko na nahuhuling may babae. Kahit pa nung buntis ako nahuli ko ng may babae tapos tinolerate pa ng magulang at mga kamag anak yung pambababae niya, hindi manlang nila naisip yung pinagbubuntis ko non. Tapos nitong huli lang nahuli ko na naman. Ang ginawa ko tinext konsa phone ni lip yung babae, umamin yung babae na naghohotel nga sila. Umabot na sa tinitipid niya kami ng anak niya, ilang araw kaming di inuuwian. Tapos ito nga po nung May 18 nilayasan na namin ng anak ko yung ama niya kasi nakakapagod na. Pagod na pagod nako isalba yung relasyon namin para lang magkaron ng buong pamilya yung anak ko pero diko na kaya yung panloloko niya na umabot na sa ginutom na niya ako, pati pambili ng gamot ng anak niya ayaw magbigay. Nagvideo call sa hipag ko yung biyenan kong babae na papabarangay daw ako pag diko pinahiram anak ko sa kanila. Ayaw ko po ipahiram kasi baka di nila ibalik sakin. #pleasehelp #advicepls
Anonymous