Milk po.

Hello po. Ask ko lang po kung anong magandang gatas na inumin? mag dadalawang buwan pa lang po ako preggy. salamat po sa sasagot.?

264 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sabi ng OB ko wala namang problema kahit alin don, pumili lang daw ako ng tatanggapin ng tyan ko kase naging maselan panlasa ko. I'm drinking Enfamama Vanilla.

ANMUM po sa akin noon yung chocolate po masarap sakto lang yung timpla hnd matamis hnd matabang,,hindi rin po kayo masusuka pag chocolate flavor

Advice ng OB ko dati, kahit anong gatas pwedeng inumin basta laging iinom. Nakakatulong din siguro un para lumakas gatas kasi malakas gatas ko after giving birth

5y trước

Birch tree iniinom ko

Thành viên VIP

Nag anmum ako pero ung isang malaking box lang. Inubos ko lang kaso hindi ko talaga matagalan, nagsusuka ko. Nagbear brand na lang ako twice a day.

Thành viên VIP

any milk actually kasi need natin ng calcium plus if you're taking multivitamins ok na un.. i drink cowhead fresh milk on my pregnancy 😊

Influencer của TAP

First try ko promama, pero di na umulit kasi pangit ng lasa, vanilla kasi. Now I'm drinking enfamama a+ chocolate. Better yung taste nia.

Enfamama mas madaming benefits sabi ng OB ko compared to anmum yun nga lang mas lasang kalawang kahit chocolate flavor na kesa sa anmum.

Anmum plain advise sakin ng Ob gyne ko until now 31 weeks na ko. It has complete nutrients for me and also for my baby in my tummy 🤗

Ako di pa inadvice ni dra.na mag milk ako..kasi itong 1st trimester madalas mag suka..masyado daw kasi malasa.. 2 months preggy here..

Enfamama o anmum. Pagbibili ka maliit na box muna baka kase masayang, minsan pag di ka hiyang magtatae ka o kaya nagsusuka depende.