Turning 6mos old
Hi po! Ask ko lang meron rin po ba sainyo na turning 6mos na si baby peor mejo late? Parang late po kasi sya. Hindi pa ganon nakaka upo or nag sstart umupo. Hindi rin pa sya nakaka gapang. Tho nag sstart naman na po sya sa pag gagapang. Tapos bibihira sya mag sabi ng vowels "ah", "eh" at "oh" kahit "mama". Siguro ang "mama" 5x palang nya nababnaggit since 4 or 5mos sya. Mejo nababahala po kasi ako kaht na sinasabi ko sa sarili ko na hindi lajat ng baby sabay sanay ang development. Thanks po sa sasagot#advicepls #firsttimemom
magkakaiba po kac ang mga bata don't worry may mga times na late sila natututo pero mas magaling sila sa mga maaga natututo. Lalo sa pag sasalita po, anak qng panganay 1 and half na bago sya nakapagsalita di ako nag worry, kac alam qng matututo din sya. kailangan lang palagi mo syang kausapin kahit tulog sya. now she's 3yrs old na dami alam kahit di tinuturo sknya alam nya. Tiwala lang sa kakayahan ng mga anak natin, wag natin sila mamadaliin sa mga bagay na di pa naman talaga nila kaya.. instead of comparing them to others why not we focus on what can we do now for our baby.. always give them our attentions and enjoy every moments na baby pa sila ❤❤
Đọc thêmbaby ko 4months dumapa.. 6months less than a minute lang nakakaupo.. before 7months siya nakaupo mag Isa .. at bago mag 8months gumapang ng mabilis.. di naman ako nababahala kasi alam ni baby ko name niya nung mga 6mos palang nalingon agad Pag tinatawag name.. ngayon 11mos na malapit na maglakad mag Isa . Mommy mas mabahala ka kung no eye contact si baby at hindi nag smile Pag nilalaro mo means hindi siya nakikipag interact ... yung sa physical help mo siya maachieve madami pwede exercise watch ka sa YouTube... and more tummy time... malaking bagay ang tummy time para mas lumakas ang katawan ni baby.. dapat maka 3hrs in a day kahit putol putol yan..
Đọc thêmturning 6mos din baby ko this feb . same sila ng baby mo dipa gano nagsasalita di pa din nakakagapang pero its okay as long as nakikita ko naman na healthy sya at panay sigaw pag kinakausap kase habang buhay naman nya naman magagawa yan lahat ienjoy nalang muna natin ngayon ang kakayahan nila . ☺️☺️
ganyan din po ang pinsan ko mamsh ngayong nga 3 na sya dpa din po nakakatuwid mag salita puro bulol padin sya kailangan mopa sabhin ung salita bago nya gagayahin yon.. halos hndi dn po sya nag sasalita non nung gnyan po edad nya po iba iba po tlga siguro mamshii
parang super aga pa para mag alala na hndi po nag sasalita si baby sa edad na ganyan mare mga isang taon pa bago makapag salita ang baby at maka lakad ng tuwid wag ka muna mag alalala maaga pa para jan enjoyin mo muna pag ka baby nya wag kapo muna mag madali
Bawat bata iba iba ang milestone.. Hnd porket ung kasabayan nya nkakapagsalita na ganun din anak mo.. saka masyado pa maaga😅 Ang intindihin mo araw araw pano mag prepare ng healthy foods nya.. Once nag 1yr old na sya at ganyan parin saka ka mabahala
too early para mag vowel sounds si baby. Baka pag around 8months to 1yr old ok na yan. ung crawling as long as nagstastart na sya that's still a good sign. Tummy time mo lang everyday. Wag mo masyado compare baby mo sa iba. Not healthy.
you can chexk the baby tracker ng app kung ano ang milestones na kaya ng gawin by age. sa speech medyo maaga pa since at that age babbles pa lang talaga. and agree, if it worries you, consult a pedia.
Ako baby ko 4months and 20days nakakaupo na ng maayos na sya lang mag isa ngayon turning 8months na sya tumatayo ng mag isa. Pero meron tlga ng bata na late. Wag mag alala mommy.
ok lang po yan mommy,iba-iba naman po development ng mga babies natin. wag nating iisipin na nahuhuli si baby. wag din po natin sila ikukumpara ❤️