hello po mommy. for me, much better po kung tayong mga mommies ang mag aalaga sa ating mga baby lalo na pot napaka liit pa nila. pareho naman po pala kayong may trabaho, siguro naman po ay makakayanan ni mister na iprovide po ang needs nyo kahit na po wala ka nang work. mas masarap rin po sa feeiling na hands on tayo sa baby natin, nakikita natin yung milestone nila at si mister natin na ay maaasikaso rin po natin, by preparing their things na kailangan po sa nila work, hindi po mahirap ang magdesisyon lalo pot usapang kalusugan na ng ating anak ang nakasalalay.
respect po. opinyon ko lamang po ito.
SKL sa totoo lang po ay na-experience ko po na magpaalaga ng anak ko sa first baby ko sa mama ko. bagay na pinagsisihan ko. pinaalagaan ko po sya para makapag trabaho, sa edad nyang 1 taon. lumalaki po sya ng sa monitor lang ako nakikila. mailap at di na nya ako kilala. ang sakit marinig na ate po ang tawag saakin ng anak. ko. lumaki po syang di nakikinig at walang takot saakin. mama ko po ang kinilala nyang mama. kaya po nagdecide ako na magresign at alagaan nalang po ang baby ko.
Anna