Accuracy ng Ultrasound
Hi po Accurate po ba ang ultrasound at 5 months? Babygirl po ang findings ni doc kaso di matanggap ni hubby at ng mama ko ?
Nakakahurt nman yun para kay baby, ako nga 2 girls na eh, sana nman di sila ganun blessing parin yan sana naman isipin nila na kahit nasa loob pa lang ng tiyan si baby eh may feelings na din yan.. kausapin mo lang si baby mo sis para di sya magtampo sabihin mo sa kanya love na love mo sya.. kaya mo yan sis paglaban mo si baby mo kahit ayaw nila.. iparamdam mo sa knya pagmamahal mo kahit pa ayaw sa knya ng mama mo at asawa mo basta ikaw iparamdam mo sa knya na mahal na mahal mo sya..
Đọc thêmAng pangit lang ng term na di matanggap. Samin nga 19 weeks pa lang si baby nung nagpa ultrasound ako. Ang during that time nagpupustahan pa nga sila sa gender 😁 kaya nung gender reveal party namin sobrang saya nila nung nalaman nila na boy kahit iba sa kanila gusto girl. First apo at pamangkin kasi kaya mga excited ☺️ sabi nga nila kahit ano ibigay dapat tanggapin kasi BLESSING yan.
Đọc thêmTeka naman ano utak meron ang hubby at nanay mo? Baby yan blessing yan! Kahit ano pa gender nyan 😒 tumatanda ata silang paurong. Baka sila ang hindi tanggapin ni lord sa langit kaurat ha 🙄 sampalin ko nanay at hubby mo e. Wag na wag nila ipaparamdam sa bata na unwanted sya. Kawawa naman para namang di sila dumaan sa pagka baby! Jusko! Shokt naman ako sa hindi tanggap 😑
Đọc thêmKahut anong gender po maging thankful po sana kayo at ang fam nyo kasi po yung iba gudtong gustong magkaanak pero di magkaroon. Be thankful po boy or girl man po yan, blessing po yan from God. Nakakasad po yung thought na yan ng asawa at mama mo
Im 4 months pregnant pero mag papa ultrasound ako this coming August. Kase excited kami ng Asawa ko sa gender Be thankful kahit ano pa gender ikaw dapat ang maging proud At iparamdam sa asawa mo na buti nga nabuo atleast di sya baog!
Yes accurate yan. May friend ako, 4mos pa nga lang kita na, nag pa ultrasound ulit nung 8mos na babae pa rin. Anyway maging thankful ka sa kung ano naibigay sayo. Besides ikaw naman mag aalaga niyan, ikaw.ang mag che cherrish niyan.
Madami ang nangangarap na mabigyan na anak na babae tulad ko.. I am 5months pregnant and boy ang gender niya, pang 2nd boy kona to pero masaya kaming mag asawa kahit boy ulit. Ang baby ay hindi dissapointment. Blessings sila ❤
Mas hindi katanggap tanggap yung kahit anong laban mo kahit anong gastos mo at kahit anong dasal mo wala ka ng magagawa kundi panoorin ang anak mong malagutan ng hininga😊 change your mindset be thankful of what you have...
bkit di matanggap? kame nga sa una wish namin sana girl,pero boy result sa ultrasound kaya happy at thankful parin kame kase yun binigay ni God,kaya pinamili namin all blue 🥰 ..try nxt time na lang sa baby girl 🤗🥰
Pag 5 months na bihira na ang nagkakamali. Magpa 3D ka po kung gusto mo makasiguro. Bakit naman ayaw nio ng baby girl? Baliktad tayo sis, ako nung nalaman na girl baby ko, nagbunyi ang buong angkan ko at ung in laws ko.