Pagtigas ng tiyan
Hello po. 6 months preggy. Kahapon ko lang naramdaman to, mula 10am hanggang 11pm bago matulog naninigas ang left side ng tyan ko sa may pusod pero maya2x mawawala naman tapos maya2x titigas na naman, seconds lang naman mga 1-3 seconds ang pinakamatagal. Hindi naman masakit. Si baby nararamdaman ko na gumagalaw naman. Kaninang 4am pag gising ko ganun ulit pinakiramdaman ko mga 6 times tumigas at may interval na 8-10 mins. Normal po ba ito? May ganito din po ba kayong nararanasan? Ano po kaya ito? Salamat po