How to produce breastmilk?

Hello po. 2 days old na si baby pero wala pa din akong breastmilk. Lagi ako nagpapalatch sa kanya pero umiiyak siya kaya nag fformula muna kami for now. Pls help mga mommies ano pwedeng gawin. I'm so worried na. Baka di na talaga ako makapag breastfeed. 😢#pleasehelp

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

kahit po ba pisilin (hand expressing) walang lumalabas? Kasi kung meron, enough na po yan. Maliit lang po ang stomach ng mga babies sa ganyan age, parang size lang ata ng calamansi kaya madali lang silang mabusog. As long as may pupu and wiwi, enough po yan. Ang breastmilk din po ay supply and demand kaya kung hindi ipapalatch nang ipapalatch si baby, hindi dadami ang milk. Kung desidido po sa breastfeeding, watch out din po sa growth spurt kasi magiging fussy din sila sa mga ganung panahon at hindi ibig sabihin nun kulang ang milk mo. ☺️ Don't stress mommy, drink 3L of water a day, kain masabaw na ulam and habang nagbuibuild ka pa ng supply, you can drink M2, malunggay capsules etc., eat healthy po and take your vitamins. You got this mommy!🤗

Đọc thêm

Unlilatch at dedecation mii.. think positive ka na magkaka milk ka.. at ang body natin alam kung gaano lang kadami ang kelangan ni baby kada dede niya... kung onti man ang lumabas dahil yun lang ang kelangan ni baby... NB palang yan kasing size palang ng calamansi ang stomach nila... ang kaso binigyan mo na ng formula kaya napipilit mag expand ang stomach ang tendency yun na ang hahanap hanapin nila na dami ng masususu nila... stop mo po ang FM.. hindi ako against sa formula kung yun ang gusto ng nanay ... pero kung EBF ang gusto... umpisa palang itigil na po ang formula.. the more na mag bibigay ng ganyan ganun din magdedecrease ang milk supply... #17mosBFmommyhere

Đọc thêm
1y trước

sige po thank you

mga mommies if na i-stress na kayo dahil wala pa kayong breastmilk try nyo po mag mega malunggay or lactation treats like galacto bombs..ako kasi 38weeks palang si baby sa tyan ko nag take na ko ng mega malunggay tpos nung lumabas na si baby kumain na ko ng lactation treats ayun sobrang dami ng breastmilk ko bago pa binigay sakin si baby ng nurse parang puputok na dibdib ko sa sobrang dami ng milk...salamat kay lord

Đọc thêm
1y trước

Mommy tumigas ba breast mo nung nagkaron ka na ng gatas? If ganun din ang nangyari sayo ano ginawa mo

una Po mi, wag pong mastress. you have milk Po.. siguro gapatak pa lang sa ngayon.. try nyo pong ibahin Ang pwesto habang nagpapalatch Po kayo Kay baby. pwede nyo Po sigurong itry na kantahan or isayaw. pero it will all start sayo Mi. try nyo Po magrelax.and think happy thoughts... praktis lang ng praktis Ma. kayang kaya mo yan.

Đọc thêm

i mix feeding niyo po muna. baka mga week after magkakaroon din kayo ng milk. ipa suck niyo lang po palagi kay baby. ganyan din nangyari sakin. mga 3days pa bago nagkagatas. kaya mix feeding kami ng 1month tapos yun breastfeeding na tuloy tuloy hanggang ngayon 1&9months na baby ko

maliit pa lang Po Ang tiyan ni baby, kasing laki lang Po ng calamansi.. kaya kht gapatak lang Po Ang milk nyo, it is enough Po. mind over matter Po Ang Gawin nyo Mi. try nyo Po magrelax..at isipin na marami Po kayong gatas. your doing great Ma.

Unli latch lang po yan, supply and demand ganorn. Lagi ka dapat nagsasabaw. Ako walang tinatake na mga malunggay capsule kemmero na ganyan pero malakas gatas ko, kain ka lang ng kain wag mong gutumin sarili mo,wag ka din mastress

wag po kayo papastress. okay lang na mixed feed si baby as long as makukuntento sya. the more mastress ka sa pag bf lalo lang konti maproduce mo. more mainit na sabaw and more warm to hot drinks is the key. Laban momsh! Goodluck!

Kung gusto mo mag tuloy tuloy ang breastmilk mo, tigilan mo mag formula milk. Direct latch dapat si baby sayo kasi sya lang magappalabas ng gatas mo. The more na dumedede sya, magpproduce katawan natin ng milk.

hi mamsh, unli latch po tapos mag sabaw ka ng mag sabaw ng mga may malunggay. mas effective sakin nun yung halaan na may malunggay tapos M2 with milo. if meron ka electric na pang pump ipump mo po