Mataas sugar, need mag insulin
Hello po 17weeks pregnant po ako and sabi ng doctor need ko na po mag insulin. Mejo nakakatakot lang po, meron po ba dito na same po saakin?
Same po sakin. Almost a month na ko nag iinsulin. Mas nkkaworry po pag uncontrolled ang blood sugar. I switched to black rice na din po instead of white/brown. Wag po matakot momsh. Mas kkbuti po kay baby ang pag take ng insulin. Ung sa gamit ko kasing insulin, pen type sya. Need nlang pihitin ung dulong part para makuha ung units na need. Walang rin mrramdaman pag tinusok na. Tsaka once a day lang ang turok. So okay na okay lang tlga. Mas okay kung ganung insulin dn mareseta sayo. Kaso mas pricey sya kesa dun sa nasa vial(bote) na insulin. Mas masakit din ata application nun dahil mas mahaba ung syringe needle.
Đọc thêmAko nga sis, hindi lang basta GDM. Overt Diabetes na talaga. umaabot ng 200+ na ang sugar result ko. 4x din ako nagccheck ng sugar advised with my endo doctor. and 2x naman ako nag iinsulin. mahirap kasi pag di naagapan, napaka delikado pag hindi macocontrol ang sugar naten kawawa si Baby. kaya follow your obgyne doctor momshie. sundin niyo lahat ng sasabihin nya kung anong step dpt ang ginagawa niyo, kung need ba ng ganto or ganyan. kasi para sainyo din yun ni baby mo.
Đọc thêm10units per turok, eh twice a day so 20units ako per day.
Mii with GDM ka di ka ba muna inadvised na diet muna? Ako po kasi with endocrinologist inadvised niya ko paconsult din sa nutritionist para sa diet ko. At sinunod ko diet ko hanggang manganak nag momonitor ako bloodsugar, may labtest din ako every 2mos... Controlled GDM po ako mii.. Pero kung nagawa nyo na po diet at hindi controlled pa rin ang blood sugar niyo mas ok po mag insulin mii para mas safe both kayo ni baby
Đọc thêmnag 2 weeks monitoring ako ng sugar bago ako inadvise na mag insulin, meron talagang part na tumataas talaga yung sugar ng bahagya, kaya need ko na maginsulin talaga..
You follow what the doctor said po. Kasi prone sa preterm labor at birth defects ang baby kapag May mataas and uncontrolled tayong sugar. I was diagnosed with gestational diabetes rin mommy Pero nakuha naman sa diet.
buti pa yung sayo, limitado lang kasi ang kilos ko at bedrest so wala akong exercise kaya siguro ganun ang sugar ko, nataas minsan, minsan naman ok sya like b4 breakfast may 87mg/dl ako, after meal may 139mg/dl ako na result. the rest umaakyat ng 140 to 184mg/dl pero hindi sya araw araw.
I'm 17 weeks pregnant too and started injecting insulin at 14 weeks. Okay namn sya. Because of it controlled ang sugar ko at nakakakain ako ng maayos. Ano po ba result ng OGTT mo mamsh?
Sakin non 12 pa Ata ung 3rd.. Pero ang required OGTT ko 100gms na. Twice ng pinapaulit skin. So far maganda results ng pag take ko ng insulin. Evidently bumaba ung 2nd 100g OGTT results ko.
mommy magpaaraw ka po malaking tulong po ang sikat ng araw pag mataas po sugar.
kain ka rin po saluyot . malaking help rin po para mapalower yung sugar .
sige po noted. salamat po
ano po ba blood sugar nyo po? I mean gaano ka high?
kumain lang ako ng paksiw with 3/4 na rice (yun kasi max na rice na pwede) tapos 166mg/dl yung sugar ko. nakakapagtaka, eh sakto bedrest limitado ang mga kilos
how much po ang insulin
400 plus po novo po ang nireseta saakin 300units na sya.