#pleasehelp
Sabi nila pag nagagalit ka sa asawa mo, isip ka ng limang magagandang memories pra matabunan ang galit. Mga mah mauubos na yung good memories. Yung asawa ko gaslighter. Yung recent namin, sinabi ko lng naman sknya na prang sunod sunod nlng na masasakit ang mga sinasabi nya sakin. Umalis nga ako sa tatay ko tpos ganon din pala gagawin nya sakin. Ang sagot ba naman "oh sige. Simula ngayon di na ako mgsasabi ng opinyon ko" mga mah. May anxiety disorder ako leading to depression. Mukha lng akong okay pero yung utak ko grabe. Kaka anniversary lng namin kahapon. Tpos paskong pasko nung isang araw, naghuhugas lng naman akonng pinggan sabihan ba naman ako "ako na nga jn. Nakakairita kang tignan". 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
Kahit na andami dami kong hinanakit sknya hindi ko msabi. Kasi iniisip ko lagi na asawa ko sya. Andami kong pwede ibato sknyang mga bagay na dpat sya mismong padre de pamilya ang gumagawa nun. Kaso diko gagawin dahil di na dpat sinasabi ang ganung bagay na dpat alam nya na sa sarili nya simula ng nagpamilya sya.
Sa totoo lng. Binibilangan ko na sya. Medyo di nako masaya. Pati utak ko hindi narin.
Bakit kaya sa mga narcissists ako napupunta? 😭😭 magulang ko ganun dn. Pati ba naman asawa ko? Huhu.