Wala pa ang menstruation pero negative sa PT
#pleasehelp Hi mommies, may same case po ba sakin dito? Mixfeed po kami ni baby since nag 3 months old sya, dinatnan po ako noon. Pero nang dumating ang December until now na going 7 months na si baby hindi pa rin ako ulit dinadatnan. Hindi active ang sexlife namin ni mister dahil nag iingat din akong mabuntis ulit. At kung may time man na needy si mister, may protection naman kami. Nag pt na po ako last 2 weeks pero negative naman. Is it possible na madelay ang menstruation due to lack of sleep? Lagi din kasi akong puyat. Thanks in advance.