Ptpa Admin
#pleasehelp Hello mga mommy☺ first time mom here of 1 yr.old baby girl. Ang taba ni baby ko nung wala pa sya 1 yr.old pero ngayon sobrang laki na po ng ipinayat nya. NagkaAnemia si baby ko at nawalan ng gana sa mga pagkain lalo na sa kanin ayaw nya kumain. Mixed Breastfeed po ako sa kanya kaya lang ngayon ayaw na nya dumede sa feeding bottle sakin na lang pero konte na lang po ang milk ko kaya di na rin sasapat sa kanya. Propan TLC at Ferlin po vitamins niya ngayon ,yung Propan kakastart lang niya uminom kanina yung ferlin last august pa siya nagstart uminom. Help me mga mommy give me some advice paano gagawin kay baby. Gusto ko na din siya iwalay sa pagdede sakin di ko na alam gagawin ko para tumakaw sya kumain ng kanin ,gulay at prutas 😭


