10 Các câu trả lời
SUSO, TANGGAL, MAKTOL, IYAK... SUSO, TANGGAL, MAKTOL, IYAK... GANITO BA ANG BABY MO? Ang CLUSTER FEEDING o BUNCH FEEDING ay ang pagsuso ng isang sanggol nang mas madalas o minsan ay mas mahaba. Ito ay normal lang lalo na sa gabi. Minsan, ang kasunod nito ay mahabang tulog ni baby sa gabi. Halimbawa, sususo siya mula 6PM hanggang 10PM nang kada oras o kaya naman ay walang tigil pagkatapos ay matutulog ng buong gabi. Ang cluster feeding ay kadalasang may kasamang pagiging iritable. Sususo siya ng ilang minuto, bibitaw, magmamaktol, iiyak nang paulit ulit. Nakaka-frustrate ang ganito para sa isang ina kaya magsisimula siyang magtanong kung sapat ba ang nakukuhang gatas ni baby, kung dahil ba sa kinain niya kaya iritable si baby, kung may mali ba sa LAHAT ng ginagawa niya kaya ganun si baby. Pwede itong makaapekto sa confidence ni mommy lalo na kung tinatanong din siya ng mga kasama niya sa bahay. HUWAG MAG-ALALA DAHIL NORMAL LANG ITO Walang kinalaman ang breastmilk mo o ang ginagawa mo bilang nanay sa nangyayari sa baby mo. Kung masaya naman si baby sa buong araw, at mukhang wala namang masakit sakanya (tulad ng kabag) kapag nagmamaktol siya --- subukan mo siyang pakalmahin at huwag mong pahirapan ang sarili mo sa kahahanap ng sagot. Hayaan lang sumuso si baby hanggat gusto niya. Hindi solusyon ang pagbibigay ng supplementation katulad ng formula o bote sa ganitong sitwasyon dahil makakahina lang ito ng supply mo. Tandaan na ang pagsuso ng isang bata ay hindi lamang dahil sa gutom siya. Minsan, gusto lang nilang mas bigyan sila ng atensyon, kargahin, yakapin, ihele, o gusto lang maramdaman ang init ng katawan ni mommy. Written by: Breastfeeding Mommy Blogger SOURCE: https://kellymom.com/parenting/parenting-faq/fussy-evening/ https://m.facebook.com/groups/222617211779687?view=permalink&id=247359075972167
Hi sis! Ganyan po talaga sa umpisa wala pang milk o kaya konte pa lang. Basta ipa-latch mo lang ng ipa-latch si baby dadami din po yang milk niyo. Wag po kayo ma-frustrate kasi ganyan din po ako nung pagkapanganak ko. Yung milk supply natin depende kay baby kung gaano kadami yung milk na kailangan niya. Una konte palang kasi yun palang need ni baby tas habang tumatagal dumadami na milk natin kasi lumalaki na si baby at mas dumadami yung milk na need ni baby. Kaya don't worry sis dadami din po yan. Unli latch lang at inom ng madaming water at kumain ng healthy food. Try niyo milo at oatmeal nakakadami daw po ng milk.
pa dede mu lang po pa dede.. tska take ka malunggay capsules then, higop ka madami sabaw n mainit. much better qng mga sabaw ng shells ang ulamin mu like tulya.. then ulam ka dn po malunggay n dahon. its good for both of you.. pampahilom ng sugat, at pampadani dn gatas ..
wag kang sumuko mommy.ganun daw tlga.bases s mga mommy na natanong ko. im planning to breastfeed after ko manganak sana madameng gatas lumabas saken. Goodluck mommy. kaya mo yan.
kt butil lng mommy atleast may lumabas., dadami rin yan basta padede mo lng ,. kain ka masasabaw na food at take malunggay capsule po..
ilang araw na po ba cmula ng nanganak kau kc mga 2 days po n patuloy nag latch makakakuha n po sya ng milk
bago mo siya padedein inom ka mainit na tubig or better yet mainit na sabaw, milk, chocolate etc..
palatch mo lng sis.. dadami din yang milk mo tyaga lang..
try nyo mommy cashes nuts,promise malakas xa mgpagatas 😊✌️
sa supermarket kasi mahal, sa divisoria po bumibili asawa ko, 700 ata kilo
try mo po mag malunggay capsule.
Rolly Lagaday