🤮🤮🤮🤮🤮
Please enlighten me! From 6weeks up until now 9 weeks na sobra ang pagsusuka ko, sa umaga palang wala laman ang tiyan acid isusuka tapos lahat ng kinakain sinusuka din pati water hindi din nagsstay sa katawan. I already loss 3kls. I also bought tums (antacid) no effect , lemon water, pocari, soup wala talaga sinusuka ko pa din. Tapos 2 days na ko inaatake ng migraine nahihilo na din and shaky na ang boses kasi nakakapanghina. I know normal ang pagsusuka during 1st trimester pero baka may umeffect sainyo or nakatulong to subside the vomiting. Please help. Thank you poooo!
Normal Lang Po yan. Ganyan din ako, Panay Suka Po ako Lalo na pag nakakaamoy Ako ng Di ko magustuhan na amoy. Prutas Po lagi Kinakain ko, Something na Maasim Gaya ng Ponkans, Dalandan, Mangga, Pineapple Pero Hinay lang Po Wag Gawin Hobby ang Pagkain ng maasim dahil makakaapekto din po yan kay baby. Maganda Request po kayo ng Sinampalukan na Manok, Paksiw Or Kahit na Anong Pagkain Na Maasim Pero alam mong Healthy! Bawal Ka sa Maalat at Matamis Lalo na sa First trimester. Mas Maselan po yan Kaysa Third Trimester. Di ko sinabing di maselan ang Third trimester ah, I mean Doble Ingat lang sa First trimester kasi Maliit pa Fetus mo niyan at wala pa Ganu Nakukuha sayong Nutrisyon yan, Kumbaga Nakadepende Sayo , yung kapit ni baby. Wag Ka ma Stress Dahil suka ng suka. Natural Lang Yan. Be careful Lang Po sa mga Ini-intake na foods. Basta nasusuka ka, maghanap ka ng maasim.
Đọc thêmI feel you po mommy. Ganyan ako sa first pregnany ko but it lasted for only 3 months. Wala akong makain kasi pati lasa at amoy ng kanin ayoko. Ang ginawa ko po, yung powdered milk inuulam ko to the extent na hindi ko malalasahan ang kanin kasi sobrang coated with powdered milk. Lahat ng pagkain sinubukan namin for discovery kung alin ang pwede ako. Mabuti nalang nakabili ang asawa ko sa labas na bam-e. Anything ba oily iwasan mo din. Isipin mo po yung baby sa loob bilang motivation mo. More water din po mommy. God bless po!
Đọc thêmkaya mo yan ma, try mo magcrackers na walang lasa like skyflakes muna at milk or oatmeal yan lang kasi yung nakakain ko nung 1st trimester ako, and bumaba din timbang ko non pero nakabawi bawi naman nung mga 5/6 months na. Pilitin mo padin na may laman tyan mo kahit papano mami at take your vitamins po, delikado po sainyo ni baby lalo't nasa process pa sya ng pagbuo. Take care always po and goodluck!
Đọc thêmOatmeal lang po naka survive po sakin , ginagawa ko po mas lamang yung water and anmum yung gatas para atleast makabawi sa mga nutrients na need ni baby. 3 kgs din po nawala sakin . Pero nag normal naman po in my 2nd trime bawi napo. turning 8 months napo kami ni Baby.
mahirap po tlga bhe ganyan din ako.kaya kinakain ko ung frutos na candy.para mapigilan ko ung pagsusuka ko sobrang hirap tlga at isang beses ka lng magsuka ng derecho grabe na ung katawan mo nanghihina kna tapos pati mga tuhod mo nangangatog. going to 8 weeks plng ako.
Kaya yan momsh. Ako 6 weeks until now 16 weeks nako nag susuka parin ako. Pero na lessen na. Hindi tulad nung 6weeks to 13 weeks. Nakakasawa na. Sobrang sakit. Makakaya mo rin momsh para kay baby 💪🏻💪🏻💪🏻
I feel you momsh. Ang ginawa ko nag search lang ako ng home remedy sa pagsusuka and isa dun yung ilalaga mo yung luya tapos iinumin mo yung pinag-lagaan niya. medyo maanghang lang siya pero effective po siya sakin 😊
Same po tayo Mamsh. I'm currently 9W6D. Nag prescribed na din si OB ng plasil para ma lessen or mawala ang pagsusuka pero hindi pa rin nkatulong. Part daw talaga ng pregnancy yan. Kaya sobrang tiis ko lang po now.
same feelings,🥴po,,halos ayw ko n tumayo sa higaan,ksi sobrang nkakahilo,tpos konting galaw suka,tpos puro acid lalabas,🤦iba yung feeling ng bag bubuntis ko now,kumpara sa una at pangalawa ko pp,
sis, pa check up ka kay ob kasi nung first trimester ko nag reseta sya ng gamot to avoid vomiting po.. masama kasi ang sobrang pagsusuka nakaka dehydrate.. ayun pa check up ka para maresetahan ka po