Sa Rizal back in 2023 5k ang pasahod namin sa yaya, part-time stay-out, 1 infant ang inaalagaan niya. 4 days a week ang pasok niya, 2 days 4 hours ang shift, 2 days 7 or 8 hours naman ang shift, free foods, focus lang kay LO, no house chores.
Ngayon, Rizal area pa din, 10k + food allowance (free foods naman si yaya pero may dietary restrictions siya so may mga ulam kami na hindi niya pwedeng kainin), stay-in, 2 kids ( 3 years old and 10 months old), every Sat-Sun off, with government benefits, walis/vacuum, no other house chores na pero minsan nagkukusa si yaya na maghugas ng mga pinagkainan namin.
Check online kung magkano ang rate sa area ninyo.