Feeding bottles
Pinapakuluan po ba talaga ang feeding bottles each use? May nabasa kasi ako dati na di daw safe yun. Thanks po! #1stimemom
hindi po mommy. kami nilalagyan namin ng mainit na tubig tapos binabad sandali, sabi kasi ng pedia niya wag na kami bumili ng sterilizer. 4mos na si LO ko and hindi naman siya nagtatae sa ganun.
hindi pinapakuluan dear. magpapakulo ka muna ng tubig, tapos patayin mo ung apoy. tsaka mo ilalagay ung feeding bottles. yan po ung traditional way. nd directly pinapakuluan.
yung mga glass feeding bottle siguro yung pwedeng pakuluan, pero yung plastic mas maganda kung banlian nlng ng mainit na tubig instead na pakuluan, baka matunaw
ako nun hinuhugasan lang at binabanlian lang ng mainit na tubig every use. at siguro once every 1week lang ung pakulo.
Salamat po sa sagot nyo mga mamsh! 😊🙏🏼❤️
hindi advisable pag plastik po yung feeding bottles