56 Các câu trả lời

nung 23mos yung baby ko napadalas ang pagpapagamit namin ng phone sa kanya para hindi sya umiyak o magtopak at para may magawa akong chores pero nung isang beses na kinuha ko yung phone sa kanya eh nagwala talaga sya at ang hirap pakalmahin at patahanin, mula nung oras na yun nagdesisyon kami na never na namin sya pagagamitin ng phone. sobrang challenging kasi pati kami damay at hindi kami pwede magphone sa harap nya pero maganda ang outcome kasi mas maraming bonding/interaction. nakakapag phone lang kami pag tulog na sya. sinubukan namin 1 day gang sa naging 1 week gang sa 1 month na sya hindi nagpphone. sa ngayon minsan minsan pinapahiram namin sya pero after 30 mins kukuhain na ulit, madalas before 30 mins isosoli na ni baby phone samin or iiwan nalang nya at maglalaro. masaya kami na naging ganun sya :)

Yes pinapagamit ko sya ng internet, kinakausap ko ung 9 yrs old son ko ng mga sites na hindi nya pwede ibrowse, sinasabe ko na nag aalert sa phone ko lahat ng sites na pinpuntahan nya (kahit hindi panakot lang). I think it works kasi kapag accidnetally nappuntahan nya ung mga sites na bawal sinsabe nya sa akin todo explain pa. :)

Yung gnagawa ko nagddownload ako ng mga videos na gusto nya sa youtube and sinisave ko offline. That way, monitored ko pa din kung anong pinapanood nya. In a way kasi, nrealize ko na nag improve ung communication skills niya with those videos like ELSIA AND ANIA..

Hindi Mommy mas gusto ko ako ngdodownload ng pinapanood nya para alam ko ung nakikita nya. And based sa other friends ko nagugulat na lang sila na may pinapanood na mga anak nila mga adults na nacostume na frozen and spiderman na nagkikiss

Yes po yung 2yr old daughter ko mahilig sa youtube. Magugulat na lang kami ng father nya na alam nya na yung colors, alphabet and shapes. Tapos ang gagawin ko naman ituturo ko ulit sknya yung mga natutunan nya sa youtube. 😅

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-30070)

Yes po. Yung baby ko paggising sa umaga, cellphone ko agad yung hahanapin at magyuyoutube na. Paghawak mo aagawin sakin, siya na gagamit. Tapos Iiwan din naman niya phone ko pagnagsawa sa youtube. Hehehe

Opo, I allowed my kids to watch bedtime stories on You Tube with my guidance. It's really interesting those animations but still have some violent scenes or contents that might influence ours kids. : )

Yes po pinapapanood ko din yung anak ko sa youtube for 2hrs, basta yung video na may natututunan sya.. kaya minsan magugulat nalang ako may accent na sya kapag nag sabi sya ng mga english words 😅

yes ang pinapagamit ko sa anak ko is youtube kids. mas maganda to gamitin kasi filtered ang mga videos at the sane time may timer automatic magstoo and cant access na si kiddo pag times up na.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan