Ano po kaya maganda gawin sa baby sobra iyakin Nag try na po ako mag swaddled, palit ng diaper, padede sya , iduyan, ilagay sa dibdib, pero wala,pinali
Pinalitan ko nadin ung milk nia from enfamil A+ to NAN optpro HW 1 Pero ganun parin po grabe sya kung umiyak Nag bburp nmn pag dumedede lage din umuutot 1month and 18 days na po sya
tiyagaan lang mommy, ganyan din si newborn ko e, d na magkaintindihan ano gagawin para mapatahan, pag nagtagal mahuhuli mo dn gusto ni bb, yan lang kasi form of communication nila for now kaya medyo nakakataranta kada iyak.
ganyan din yung pamangkin namin napaka iyakin natural na ata sa kanya tlaga gnon ung baby ko nman iiyak lang pag gutom.Wala naman po ata problem don mawawala nman pag lumaki na sila kaya lang ang ingay lang.
Ganyan po mga babies minsan pamangkin dati ni hubby sa umaga kuntento pagdating ng gabi sige na iyak karga na lang lagi nong mag asawa palitan kasi di talaga natigil. Lilipas din po yan.
chexk nyo dn po kng mainit or malamig ang paligid. baka masikip ang damit nya. baka rn naman makati ang hinigigAan or damit bka balot n balot nman sha. baka may kagat ng lamok or langgam
baka lage po xa kinakabag kaya masakit tiyan nya pero kng hnd nman natural lng po yan sa baby ganyan dn po anak ko nung 1-2buwan surang iyakan pero ngaun 3mth na nagbago na.
mostly kasi kapag ganyang age ung baby talaga iyakin talaga same sa baby ko before. kausapin nyo po.si baby or kaya laging kargahin. baka naninibago lang.
baka po may kabag ang tyan..baka ung water nya hnd bagay skenea..kung hnd msn kunting pasensya lng kasi ganyan tlga ang baby..magbabgo din po yan.
second baby q ganyan din, akala lagi ng kpit bahay qng anu n ngyari. grabe iyakin tlga.. pero nawala din nman pagiging iyakin nya after ilang months.
Ilan months po bago nagbago?
Magbabago din yan mommy nature na po nila yan. Kailangan lang po talaga ng pasensya kahit masakit na sa tenga minsan hehe.
Ok lang nmn po ung gcng sya magdamag wag lang sana ung iyak sya ng iyak. Nakakapanlambot
sabi nila ok lng nmn daw yan yung iyakin kasi good for the heart p dw yn. excercise sa heart