Picky eater si bagets? Simpleng tips na nag-work for my child to eat fruits and veggies ❤️
Picky eater ba si bagets? Mahirap bang pakainin ng healthy food? Pinipili lang ba ang gustong kainin? 😟 If Yes, Hay, ganyan din si Gaev. Kapag naririnig na nya ang ulam ay gulay, naku nalulungkot ang mukha nyan🤦 tapos kapag kakainin na nya kunyare masusuka sya 🤣🤦 Pero, hindi pwedeng pabayaan nlng, dahil sa panahon ngayon importante na masustansya ang kinakain nila para lumakas ang kanilang resistensya panlaban sa sakit. Buti nlng si Daddy Neil Natalia nage-eeffort laging turuan si Gaev paano kumain ng gulay at prutas. Kaya ayan sa photos kumakain na po si Gaev ng mangga 😁na dati sinusuka nya🤣 Paano? Ganito👇 Tip #1 Be an example 😁 dapat nakikita nya rin na kumakain ka ng mga ipapakain mo sa kanya(tipong sarap na sarap ka😁) Tip #2 teach them the value - dapt sabihin natin yung halaga kung bakit natin kailangan kumain ng mga ganung pagkain Tip #3 Make healthy snacks always available- kapag humingi ng pagkain si bagets dapat readily available yung gusto ko ipakain sa kanya tipong wala syang choice or options😁 Maraming ways kung paano, pero momsh yan ang pinaka-basic at ginagawa namin ni Daddy Neil 😁 na pwede niyo ring maging panimula 😊Naway maturuan natin ang mga bagets na kumain ng masustansya habang bata pa 🥰 #ourcutemonster #mommyzel #gulayislife