Edd: Sep 04, 2020 Date of birth: August 20, 2020 Via C-Section
Pero ngayon lang po ako nakapagpost ng birth stories ko dahil nasira phone ng asawa ko and ngayon lang ulit nagkaphone, so eto na august 18, 2020 sumasakit na tiyan ko so umuwi na kami sa bustos dahil doon ako manganganak, then ni IE ako 2cm palang, then august 19, 2020 at 7:00 in the evening sobrang sakit and ang dalas na niya sumakit inoorasan ko every 5 mins. sumasakit na siya so dahil umuulan tiniis kopa grabe sakit ng tiyan ko hindi na ako makahiga nakatayo lang ako and naiiyak na sa sobrang sakit nakahawak ako sa double deck at wala akong tulog dahil ayaw akong patulugin ni baby sa sobrang sakit ng tiyan ko hehe, hanggang august 20, 2020 at 6:00 in the morning pumunta na kaming clinic na dapat doon ako manganganak ihh wala pa si doc. Nilagyan na ako ng swero nung nurse and august 20, 2020 at 2:00 pm dumating si doc. At sinabing maCCS ako because of pre-eclamsia and yung blood pressure ko is tumataas. Sobrang sakit na sakit na ako sa tiyan ko bumiyahe kaming ospital and pag dating don ni rapid test kami ng magbabantay sakin and niready na ako then pag dating ni doc. Inuna na ako i CS because of my blood pressure and finally August 20, 2020 at 5:27 pm nailabas si baby 🥺🥰 And now my baby boy is turning 10 months this coming june 20 😘🥰 napalaki at kulit na hahaha😁😘 #1stimemom #firstbaby