Hello mommies, ask lang po ano mga nararamdaman nyo nung 1 month preggy kayo? Salamat po.
Ihi ng Ihi po tapos sensitive sobra, naghahanap ako ng pagmamahal i mean yung feeling na love na love ka ng mga taong nakapaligid sayo maliban sa asawa mo. Ang bahay kasi namin sa tabi ng in-law ko, malayong malayo sa magulang ko. Iyakin di ko maintindihan. Tapos bigla lang sumakit nipples ko at sinisikmura. Tapos ayun nagpacheck na po ako 6weeks preggy na pala ako noon😅 Antukin din pala po
Đọc thêmsimula magbuntis antukin na tapos ang sensitive ko sa amoy ginisa,pabango,mga panglinis basta di ko magustuhan mabigat sa pakiramdam. nalulula lang pero di nagsusuka kaya kahit ano kinakain ko pero paunti unti kasi bloated pakiramdam ko na constipated.
Nahihilo mi as in halos maghapon akong nakahiga dahil sa hilo tapos naging antokin at madalas na sakit ng ulo kaya dun ako nag decide na mag pt na and 6 weeks nung nalaman ko na preggy pala ako
wala po.. ordinary lang po.. nag rarides pa kami ni hubby nun d ko alam 1month preggy na ako.. may pasakit sakit lang ng puson at nipples ko kasi akala ko mag kakaroon lng ako 😊😊
Antukin,hilo tas bloated. Napansin ko din lagi akong utot ng utot hahaha kala ko wala lang sign na din daw pala yun. Tas may parang kakaiba akong nalalasahan kahit walang kinakain.
Base sa experience ko dto sa 2nd baby ko, lagi ako antok. kasi bfore pa naman madelayed ang mens ko, palagi na ako antok saka palaging feeling pagod,
madaming cravings at madalas ang pag ihi.
laging pagod tas minsan bloated pa
Got a bun in the oven