Update.
Part 1 po pra maintindihan niyo yung kwento:https://community.theasianparent.com/q/14-weeks-na-si-baby-ngayon-pero-naaawa-ako-kasi-mas-naranasan-nya-pa-yung-stress/933424?d=android&ct=q&share=true Ngayon sinasabi nya naman na kaya ayokong bumitaw sa kanya e dahil pera lang ang kailangan namin ni baby. Sabi ko naman kung ganyan lang tingin nya saming mag ina e wag na lang. Sinagot ako ng "edi wag" Nagmamakaawa na ko na sana tumigil na sya sa kabubunganga nya na kahit isipin nya na lang yung kalagayan ng baby namin. Once nya na kong sinabihan na wag daw ako magtago sa likod ng anak ko dahil lang sa sinabi kong ganyan. Bawal ba maging concern sa anak ko? Sana kung kaya kong pigilan at wag pansinin lahat ng sakit na dinudulot nya sakin pero hindi e. Bawat salita nya ng masasakit sakin, tulo agad yung luha ko. Sobrang naninikip na yung dibdib ko. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob dahil ayoko rin ma stress ung nanay ko. Sobrang sakit na rin ng puson ko sa sobrang stress to the point na nakita sa ultrasound ko knina na humihilab sya sa loob. Kung pwede lang kalimutan ko na lang sya ng ganun ganun na lang matagal ko ng ginawa at di ako nagtitiis ng ganito.