Blood/Spotting

Papunta po kami ng lying in clinic pero umihi muna ako. Pagpunas ko ng tissue, merong dugo. Tas pacheck up na kami. Sabi sakin, napagod daw siguro ako. Totoo naman po, napagod nga ako kaninang umaga kasi nagligpit ako ng mga gamit, bagong lipat kasi kami. Yun daw siguro dahilan kung bakit ako nagspotting. Pag-uwi ko po, meron ulit dugo. Yung mnasa picture po. Pagod lang po kaya ang dahilan nito? Base sa check-up okay naman po ang heartbeat ni baby. Normal naman po, 148 bpm. 34 weeks na nga po pala si baby. Thanks po sa sasagot. #1stimemom

Blood/Spotting
6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1617 1635 1651 1700 1706 1717 1723 1736 1741 1748 1759 1804 1811 1816 1822 1835 1848 nakakafeel po ako ng mild contractions. Braxton Hicks contractions daw po tawag dito. naglalast po sya ng mga 20-30 seconds. military time po yang numbers. nilista ko kasi kung anong oras ko sila nararamdaman.

Đọc thêm
4y trước

opo mamsh. mga 5 to 10 mins po ang intervals. tas mga 20 secs ang tagal...

Momsh ganyan din ako, 33weeks na pagod nag dugo, ayun na confined ako. Tinurukan ako ng pampakapit ayun po, bedrest ako kasi bawal pa mag Karon ng contractions Kaya ayun. Bawal talaga

4y trước

naku ganun po ba mamsh. sabi nga sakin magpahinga lang daw ako. pero walang niresetang kahit ano. sabi ko observe ko muna. tas pag bukas ganun pa din, punta na ako sa ibang clinic or hospital.

meron po ulit ngayong 5pm. 2.30 yung nasa picture. tinext ko na po ang OB... actually lying in lang po yun, baka midwife lang po sya..

Post reply image
4y trước

medyo nagwo-worry na nga din po ako. nagkocontract po kasi ang tiyan ko with 5 mins interval. medyo discomforting na sya.. mga 40 secs na ang tinatagal ng bawat contraction.

need mo po bumalik ng ob mo po. kasi kung nagdugo na naman ulit pero nakapagpahinga ka naman na medyo alarming. balik po kayo

4y trước

ino-observe ko mamsh kung magkakaroon ulit. so far wala naman na po... pero may Braxton Hicks contractions po ako. na di ko naman feel dati..

Thành viên VIP

hindi po ba dapat emergency yan momsh kasi 34 weeks ka palang tapos may dugo?

4y trước

kaya nagpa-check-up kami agad mamsh. pero sabi nga na napagod lang daw siguro ako kaya ganun. nagtataka din tuloy ako kung yun lang kaya talaga.. pag-check kasi kay baby okay naman sya.. malikot naman at normal ang heartbeat..

Thành viên VIP

naku need mo bumalik sa ob mo mommy .. di ka mnlang po niresetahan ng gamot?

4y trước

wala pong nireseta mamsh. wag lang daw akong magpagod. ino-observe ko nga po kung meron ulit dugo, so far wala naman po.. pero ngayon ko lang na-feel ang Braxton Hicks. dati hindi naman.