SSS Maternity

Panu ba lakarin ang maternity sss ilang taon ba dapat hulugan

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Employed po ba kayo or unemployed? Kung employed, sa formal company po ba or informal? Depende po ang proseso kung may trabaho o wala at kung formal o informal ang trabaho (example: server sa karinderya, bantay ng tindahan, etc.). Kapag employed, katulad ng sinabi sa unang comment, employer mo ang mag-aasikaso. Kapag informal ang trabaho o walang trabaho, ikaw ang mag-aasikaso online. Noong buntis ako last year, wala akong trabaho, ako ang nag-asikaso ng SSS ko Maternity Benefit ko. Ito yung process na ginawa ko: Kung wala ka pang online SSS account, gumawa ka muna at siguraduhing pasok yung mga buwan ng hulog mo (i-check mo yung picture sa unang comment). Then, mag-submit ka ng Maternity Notification. Wala ka pang kailangan ipasa na requirements para sa notification, kumbaga inaabisuhan mo lang ang SSS na buntis ka. Pagkapanganak mo, saka ka palang mag papasa ng requirements. Yung requirements depende kung normal delivery o CS delivery.

Đọc thêm

Pwedi po through online. Tingnan mo po sa youtube paano.

.

Post reply image
2y trước

Certified true copy or authenticated copy of Birth Certificate duly registered with the Local Civil Registrar. Operating Room Record or Surgical Memorandum duly certified by the hospital where the member is confined.