Unwanted pregnancy
Pansin ko lang ang dami ko nababasa ngayon dito sa App na to about sa mga kabataan ngayon na takot mabuntis kasi nakipagtalik at may mga buntis naman na nagcoconfirm kung regla ba dahil hindi sya niregla ng ilan buwan at makikita mo naman na planado pagregla nya dahil may pads or Diaper na sinusuot tapos sasabihin nya NAKUNAN BA sya. Kasi kung alam mong buntis ka at spotting ka lang. Punta ka agad sa OB diba? Isa kasi ako sa mga matagal na naghahangad ng baby at matagal na namin pangarap magka-anak ng asawa ko. Ngayon lang niloob kaya sobrang ingat namin. Pero yung mga ibang babae dito hindi man lang magawang pahalagaan pag nabuntis kahit kagustuhan naman nilang ginawa ng partner niya. Ano yun? Sarap lang ba gusto niyo pero pag nakabuo na ayaw na? Takot na? Gusto na ipalaglag. Maawa naman kayo sa bata. Hindi lahat agad nabibiyayaan ng anak hindi lahat nabibigyan ng anak. Kaya totoo ang sinasabi nilang blessing ang baby.. sa mga mag asawa na at nasa legal na para bumuo ng pamilya. #thinkbeforeyoualammona

