PAG SUSUKA 14 WEEKS PREGGY
pano po ma less ung pag susuka buong araw npo kse kain suka kain suka di ko npo alam gagawin nanghihina npo ako ngayon lng po kse ganito kalala huhu simula ng kumain ako ng kadios ba yun kagabi po langka beans and pork po yon pls help po
30 minutes before ka kumain ng kahit ano, mag skyflakes ka muna mamsh. Ina-absorb nya ung acid sa sikmura. Observe mo ung pagsusuka mo kung gaano kadalas kasi kung more than normal at to the point na lahat na lang ng kinakain mo e sinusuka mo, magpa ER ka na kasi baka madehydrate kayo mag-ina. Also, pagkasuka wag na wag kakain agad kasi I assure you susuka ka uli. Skl ganun kasi nangyari sakin dati. Within 3 hours naka 6 or 7 na suka ako, iyak na ako nang iyak kasi sobrang sakit na ng tiyan ko kakasuka. Nagpadala ako sa ER, pinagalitan pa ako sabi dapat the day before pa ako nagpa ER kasi the day before pa rin ako nagkakaganun pano raw kung nadehydrate kaming mag-ina? Ayun, Hyperemesis Gravidarum pala sya, severe form sya ng morning sickness. Sa ER after few minutes dugo na sinusuka ko. Hindi na ako pinauwi hehe confined ako 2 days. Tapos niresetahan ako ng gamot para mapigil ung pagsusuka ko. Hanggang 17 weeks ko ata sya iniinom. Pero hanggang ipapasok na lang ako sa OR suka pa rin ako nang suka. 38w3d ako nun.
Đọc thêmIwas sa oily foods sis nakakatulong.