newborn baby
pano po kaya tamang pagaalaga sa newborn ano po yung mga bawal at dapat gawin? #pleasehelp #firstbaby
Read posts sa mga mom groups sa FB pero be extra careful sa kung ano ang susundin mo at hindi. Huwag ka din basta sumunod sa mga sinasabi ng matatanda kasi hindi lahat applicable ngayon o proven na mas nakakasama sa baby kesa makabuti. Pinakamahalaga ay mag tanong ka sa pedia ng baby mo. Lahat ng tanong mo ilista mo para makakuha ka ng sagot na galing mismo sa doctor. Never give your newborn water. Breastmilk lang dapat. Pero kung nakaformula, sundin mo mabuti ang ratio ng formula:water. Huwag papasobrahan ang tubig kasi baka magkaron ng water intoxication ang bata. Kapag purely breastfeeding naman, madalas hindi binibigyan pa ng vitamins ang baby until 6 months. Huwag basta magbibigay ng gamot kahit herbal pa yan. May mga sanggol na namatay na dahil dyan sa mga herbal na pinapainom ng mga matatanda. Ang baby ay talagang iyakin. Kargahin kung kailangan. Hindi totoo na huwag sanayin sa karga ang newborn. Kailangan niya maramdaman ang init ng karga mo kasi feeling lost siya sa outside world. Pampakalma nila ang karga. Kausapin ng tamang paraan si baby, wag magbaby talk kahit na newborn pa lang. After feeding, ipaburp si baby. Tyagain na upright position si baby up to 30 mins. Iwas kabag. Kung nagkakabag naman, NEVER put manzanilla. Ang bilin ng pulmo pedia ng baby ko huwag papahiran ng oil ang newborn dahil mas nakakacause ng pneumonia. Maaring sabihin ng ibang nanay na depende sa bata dahil sila ginamitan nila ng manzanilla ang anak nila ok naman. Pero ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng mga doktor. Mas mainam kung imassage mo lang ang tyan ni baby o gawin ang bicycle massage. Huwag ka din maglagay ng bigkis sa bata dahil baka mahirapan sila huminga. Ayaw din ng pedia nyan. Bawal din ang powder sa newborn. madami pa yan mumsh, pero pinakamainam magtanong ka sa pedia at magbasa ng mga legit na sources at huwag basta susunod sa haka haka.
Đọc thêm