Gumamit ka po ng silicon scalp brush kapag shinashampoohan si Baby. Anlawan maigi ang buhok/ulo ni Baby kapag naligo. Kung makapal yung craddle cap nya, pede pong pahidan ng eczacort/hydrocortisone cream. Nabibili po yun kahit walang reseta pero reco yan ng pedia ng baby ko. But you can ask your pedia din po kung ano reco nya or kung ayos lang din ba na magpahid ka ng ganyan sa baby mo para sure po.
Massage and kuskusin mo ng gentle lang ang ulo ni baby mii kapag pinapapaliguan mo. Better banlawan ng mabuti after shampoo. Unti unti lang po yan mawawala, ganyan din kasi sa baby ko. Lagpas na 1 month bago nawala though meron pang unting spot na natira. Sobrang kapal din ng buhok ng baby ko.
patakan mo ng gatas mo mii then gently rub with cotton. gawin mo po yan bago sya maligo, shampoohin mo po tapos banlawan maigi. mas maganda pa yan sa baby oil mii promise. ganyan ginawa ko kay lo ko nung nagka balakubak sya, ayun natanggal naman agad.
try mo yung yellow na johnsons baby oil mii, or any oil will do. mas effective lang kasi sakin yung js na yellow. ibabad mo sa ulo ni baby ng 30mins bago maligo. tapos pag napaliguan na po i soft brush niyo po.