Quality time
Pano ko po ba ioopen sa asawa ko yung pagbibigay ng oras sa anak namin? Nakakafrustrate kasi na ilang beses na syang nangako na ipapasyal namin si baby, lagi nyang nakakaligtaan. Minsan isisisi pa sa weather kahit okay naman. Pag uuwi sya lalaruin nya lang saglit tapos ibibigay na agad sakin. Good provider sya pero gusto ko sana kahit minsan man lang sya mag initiate na ilabas namin ang anak namin. Ako yung nalulungkot kapag pinapangakuan nya yung bata then at the end, di nya matutupad. Pero pag parents nya ang may need sa kanya, ang bilis nya pa sa alas kwatro.