konting advise lang po mga momsh 😘

Pangatlo na po itong nasa tummy ko normal delivery naman po ang dalawa kaya ang plano ko is magpaligate na po diretso after ko manganak. May nag advise po sa akin na mag pa CS nalang daw para isang hiwa nalang at hindi na ako mahirapan sa panganganak. Parang gusto ko rin po kasi para isang confinement nalang at isang hirap nalang dahil problema ko ang makakasama ko sa bahay after manganak nakiusap lang ako sa kapit bahay namin na kapag nanganak ako sya muna tingin sa 2 kids ko dahil ang asawa ko ang magbabantay sa hospital. Dahil parents ko nasa province kaya wala talagang ibang maasahan. Ano po kayang magandang gawin para makatipid at para ndi na madalawang balik sa hospital para magpaligate. Sino dito yung normal delivery nanganak then sinabay na yung pagpapaligate?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sabihan nyo po yung OB nyo, or kung san kayo manganganak.. kung sa private hosp. kayo wala siguro magiging problem, pero sa public hanggat maaari inonormal delivery ka nila.. at nag CS lng sila pag need talaga

4y trước

Yap sa private naman momsh ako manganganak kaso lang ok kaya yun na iCS nalang para isang hirap nalang tutal hihiwain din naman kapag niligate. ?