Ex ng partner ko

Palabas po ng Sama ng loob. Bat po ganun lahat ng pamilya ng partner ko lage nilang bukang bibig yung ex ng partner ko. Pinaparinig nila sa akin na nakapag tapos na ang ex ng partner ko naging professional teacher na tapos tinutulangan nya daw yung partner ko sa Pag aaral nya dati through financial.tapos nag tagal daw sila 8 years. Tapos kami ng partner ko wla pang Isang taon nabuntis nya ako. Kaya nagkahiwalay sila ng ex nya dahil sa akin... Tapos kinomfront pa ako ng mama nya na ayaw nya sa akin mas gusto nya yung ex ng partner ko. Ang hirap hirap po ng sitwasyon ko wala pang maayos na trabaho Partner ko palaging nanghihingi pa ng support sa parents nya. Hindi kasi kami nkatapos ng Pag aaral kasi nabuntis na ako ng partner ko. 6 months pregnant here....

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi lang yun dahil sa pera. Normal lang na maging ganyan ang trato ng parents sayo. 8 years nilang nakasama yung ex tapos naghiwalay lang dahil sayo. Kahit sinong magulang naman mas magiging prefer yung taong nakakatulong sa anak nila, hindi yung nakakapagbigay problema. Kasi imagine, nahinto rin sa pagaaral ang anak nila dahil sayo. Although may choice naman talaga ang lalaki na mag-aral dahil di siya buntis, common sense na lang. Hihingin niya pa sa parents niya pangsustento sayo tapos hihingin niya rin pangtuition niya? Doble gastos. Hiya-hiya na lang rin talaga, ganun.

Đọc thêm

Tatagan mo po ang loob mo sis para sa baby mo. Kung ano sabihin ng byenan mo palampasin muna lang po. Byenan ko sakin nun noong una baet baet pa sakin noon kasi nabibigyan namin magawa kada kisenas at katapusan pero noong di muna namin binigyan kasi malapit na ako manganak biglang nagbago ung ugale nya. Nanganak na ako nun hindi man lang ako inasikaso pinabayaan lang ako. Binantayan lang ako sa Hospital kasi babayaran sya ng asawako. Pamilya ng asawako pag tumulong at nakaalitan mo lahat ng naitulong isinusumbat sakin.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hindi naman buntis partner mo momsh.. Pwede naman nya tapusin pag aaral nya or pwede din sya magwork.. Choice nya yun kung aasa na lang sya sa parents nya at di na kakayod o gagawang way para buhayin kayong magina.... Lumalabas kaya nila gusto yung babae dahil sarap buhay ng anak nila. Naka asa dun sa babae... Sustentado nung ex nya ganern....

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ang mahalaga sis Yung nararamdaman ng partner mo, kung mahal ka nya talaga at pinanindigan ka, ignore the ex issue though nakakabuwisit yan lag lagi bino brought up ang ex at Lalo na dineracha Kang Mas gusto Yun kesa sayo, Mas mainam nakabukod talaga kayo.

Thành viên VIP

Wag mo silang pansinin. Gusto lang nila yun gawa ng pera tulong financial ganun ang toxic nila at mukha silang pera. Distansiya ka na lang wag ka pa stress sa mga ganyan

Thành viên VIP

Pray ka lng sis.. Wag ka masyado padala sa sitwasyun buntis ka pa nman.. Sabihin mo sa partner mo na kung pwd wag na halungkatin nakaraan.. Prove to them na karapat dapat ka..

5y trước

Gusto Kong maging karapat dapat sis.gusto Kong makapag tapos ng Pag aaral kaso pano ako makapagtapos buntis ako wala din akong ka pera2.

Parehas tayo sis sis ang ako sayo umalis na lng kayo sa bahay nila ng byenan mo.tatagan mo loob mo

Thành viên VIP

Hayaan mo na yung nasa paligid mo sis. May plano si Lord sainyo kaya konting pasensya lang ganyan talaga sila.

5y trước

Babae tawag nila sa akin sis. Never nila akong tinawag sa pangalan ko. Naiyak tuloy ako

cocomment sana ako haha kaso matagal na pala tong post na to. ok na po ba kayo ng biyenan mo?

1y trước

hehe hindi pa rin. pakialamera parin sya

Kausapin mo partner mo at sabihin na di komportable ang ganyan