lazy

Palabas ng saloobin... Aminado naman ako na tamad ako sa gawaing bahay. Pero hindi na naman ako tulad ng dati na as in walang ginagawa. Simula ng mag asawa ko unti unti naman akong natuto sa mga gawaing bahay. Yung gawain ng isang maybahay ginagawa ko naman. Ganito ang kwento. Inabutan ko si mister na nakasimangot at sigurado ako na may something na naman. Eh di ako ayokong nakikitang ganon ang mukha nya nagtanong ako. Ayaw pang sabihin nung una pero sinabi din nya nung pinilit ko. Sabi nya nagkukwento daw yata yung nag aalaga sa mga anak namin dito sa kapitbahay. Ngayon, nakarating sa biyenan ko. At itong biyenan ko sinabi sa mister ko. Nung marinig ko na nanggaling sa biyenan ko alam ko na exagge na naman ang pagkakasabi. Alam naman at inamin ko din sa nag aalaga sa mga bata na tamad ako sa gawaing bahay. Hindi din ako palalabas ng bahay. Pero natutunan ko na din yun kapag may kailangan akong bilhin. Ang kwento daw kasi, dinudulot daw lahat sakin. Wow lang. Mister ko pa nga ang panay ang utos. Kung mag utos man ako pabili lang ng yelo at uulamin. Hindi daw ako nagalaw sa bahay. Sa totoo lang nakakagigil. Hindi ko alam pano ieexpress yung inis ko na hindi kami mag aaway ng mister ko dahil magulang nya yun. Ayoko ring magkaron ng sama ng loob sa kanila dahil nasa iisang compound kami. Nakakainis lang dahil itong mister ko laging nakikinig sa sinasabi ng nanay nya na exagge namang magsalita. Kaya ayokong malapit sa kanila. Dahil may masisilip at masisilip sya.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mabuti talaga sis kung nakabukod at medyo malayo s byenan para me sarili kayo buhay. Hindi na ata talaga maiiwasan ang mga eksenang ganyan. Mahirap lalo kung nakatira kayo sa kanila para ka siguro Naka cctv camera hehe

5y trước

Gustuhin ko man talaga pero inaalala ko din sya. Mabilis kasi syang mahighblood pag nagiisip kaya kahit mahirap mas pinipili ko na lang manahimik.