KASAMABAHAY
pahelp naman. ako kasi yung taong ayaw ng stress at ayaw ng may kinokompronta. kaya lang napapansin ko tong kasambahay ko na mejo abuso naman ata sa oras niya. nakatira kami sa isang 50sqm na townhouse ang trabaho niya is all around sweldo niya is 7k libre lahat ng toiletries at nakawifi din siya washing machine namin is fully automatic 4 kami sa bahay kami ng husband ko isang 5 years old at isang 2 mos na ako ang nagaalaga. pero ngayong dec uuwi ang nanay ko oara siya na din magbantay sa bunso ko oag pumasok ako. dati naman masipag at maayos. pero habang tumatagal nagiging tamad na. kami yung pamilya na hindi lahat inaasa sa kasamabahy. yung laruan ng anak ko ang anak ko pinagliligpit ko noon. yung mga hugasin pag alam kong huli na kami kumain kami din naghihugas. at pag alam kong nagplaplantsa siya nagwawalis walis na din ako. mabait naman siya kaya lang nawiwili sa kakawifi. nakikita ko pa minsan naka FB live pa maglukuto lang. tapos yung FB niya ouro screenshot ng chat nila. parang gusto ko nalang pauwiin pero nanghihinayang at naawa din naman ako dahil may 3 anak. ano kaya pwede gawin pauwiin ko nalang- sino dito working pareho pero nakasurvive ng walang kasamabahay. nakakastress kasi minsan makisama sa sarili mong bahay.