normal lang po ba na masuka after uminom ng ferrous?
pagkainom kopo kasi ng ferrous after 30 minutes sinusuka ko kinakain ko....
![profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
ang advice po sa akin, mas ok po ang absorption ng iron before a meal, then calcium after a meal dahil kako ako rin po ay nasusuka after magtake ng mga vits pero nung first trimester po ito mas madalas mangyari, nung second bihira naman na routine ko po sa lahat ng iniinom ko: calcium, after breakfast iron, before lunch calcium, after lunch obimin multivit, before bedtime/after dinner kung kaya po mamonitor, lahat po pwede itake 15-30mins bago and after ng meal/bedtime para rin po makapagadjust muna lalo sa pagtulog pagka kasi ininom mo tapos higa agad iba rin po feeling
Đọc thêmganyan din ako. kahit multivit lang, nasusuka ako. sabihin mo lang sa OB para palitan niya brand. kaya lang sakin nun, kahit anong brand, ganun pa rin. nagtry na rin ako sumipsip ng ice cubes, kumain ng candy, pati ginger tea, pero nagsusuka pa rin. kaya pinatigil na lang muna yung multivit na may ferrous nung 1st trimester. tapos inom na lang ulit kapag 2nd trimester na. nung hindi na masyadong nagsusuka.
Đọc thêmhello po mommies meron po ba same case ko.. 2months preggy na po ako pero nag e spotting po ako.. pero hindi po siya pulang pula parang brown po yung lumalabas sa spotting ko. may nereseta sakin ang OB ko. na pampakapit pero ganun parin po kahit hindi nman po ako masyadong pagod nag e spotting parin ako. pero sabi naman po ng OB ko malakas daw si baby
Đọc thêmsame scenario sakin last week lang. Ang pinagawa sakin after gamot/kain inom agad ng gaviscon para sa sikmura. after kasi sumakit sikmura ko pagkainom ng gamot diretso suka na kasama mga kinain. Safe naman daw gaviscon sabi ng OB ko. Pag di kaya, pinatigil muna prenatal vit.
para sakin yes. ganyan ako eeh. kaya after ko uminom gamot mag candy kaagad ako.
ako po nasusuka parin kahit may candy.. may time din kasi na sobrang lakas ko maglihi at may time din na saktuhan lang..
sa Gabi mo inumin TAs capsule Ang piliin mong ferrous para di mo malasahan
ako feeling nasusuka lang pero ang sakit sa sikmura juskoooo. 🥹