pag po ba normal delivery ramdam ung pag hiwa at pag tahi sa pwerta ?
Depende kung tumatalab sayo yung anesthesia sakin kasi di tumatalab yun kaya ramdam ko pagtahi,mahilig kasi ako sa maanghang pag mahilig ka daw sa maanghang di ka tatalaban ng anesthesiA
ako po ramdam ko nung ginupit.. pero pinatulog ako nung tinatahi na. kaya 5.53am lumbas si LO bandang 10 ko pa sya nahawakan..nauna humawak ang mother ko pati asawa ko. 😅
Merun din pong case na ramdam ang pag hiwa merun din ndi...kapg tinatahi ka nman tinuturukan nila ng anesteasia ehhh ramdam mo lng paghugot ng sinulid pero ndi ang sakit.
Yes po. 😭 Mas okay lng sakin maglabor, pero pag tahi talaga...AYOKO NANG MANGANAK..😅 both 1st and second baby ko tahi talaga... Nagagalit na ko sa doctor hahaha
Much better mommy, dont ask question if msakit .. para totally wala tayo alam sa mnagyayari during labor.. kase kakabahan at matatakot ka tlga.. 🤗
s 1st born ko ramdam ko ung hiwa tska tahi, s 2nd ko nmn labor pain ung nfeel ko pero ung hiwa tska tahi hindi ko n nramdaman. After lumabas c baby nkatulog n ko.
Naramdaman ko ung paghiwa.. Pero nakatulog nako after nailabas si baby habang hinihiwa nila ako sa ibaba... Sooooo.. Hindi ko naramdaman ang pagtahi.. Hehe
Hindi ko po naramdaman yung pag hiwa kasi ininjectionan na po ako ng anestesia at yung pagtahi d na rn tulog na po ako non pagising ko tapos na tinahi.
Sa akin wala ng pakiramdam sa panganay ko.Ang tagal ko kaseng nag labor.Kaya diko na naramdaman nung nilitasan ako at tinahi.Ang panganay ko ay 7.8lbs.
Hindi ko naramdaman yung hiniwa kase umiiri ako nun. Yung pagtahi medyo naramdaman ko. Pero di masaket pag iniisip mong tapos na pag hhirap mo. Hahaha