tahi

Masakit po ba matahian pag normal delivery? Ramdam po kaya yung sakit pag walang anesthesia? Salamat po

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi naman po masakit yung pagtahi. Nararamdaman ko pa nga bawat pagtusok sabay hila e, wala akong maramdaman. Kasi siguro namanhid na sa labor na talagang napakasakit😂 habang tinatahi ako napakasarap lang ng feeling kasi nakaraos na ako, nasa isip ko kaagad makita at mahawakan si baby. Sa kanya ako nakatingin habang nililinisan sya. Mani lang po ang tahi kumpara sa labor😆 kahit nga nung pinunasan na ako ng bulak na may alcohol after tahiin, hindi ko naramdaman ang sakit. Parang ang ginhawa pa nga po e. Malamig kasi yung alcohol.

Đọc thêm

Para ka lang namang kinagat ng langgam... na malaki... na galit... na nakasteroids... na broken hearted. Pinapatawa lang kita, wag ka kabahan, tolerable naman yung pain, isipin mo nalang sakit ng labor, naku mani nalang yang tahi.xD

Post reply image
3y trước

mas masakit parin yung labor 😂

Hello Momshie! Yes, masakit po talaga ang tahi lalo na kung walang anesthesia, ramdam mo ang bawat tusok at hila ng pagtatahi sayo ni OB. Pero lahat ng yan makakaya mo kasi super excited ka na matapos lahat at mahawakan ang baby mo ❤️

Thành viên VIP

Natitiis naman yung sakit ng tahi. Yan din yung kinatatakutan ko nung, hindi yung labor hahaha. Pero napatunayan kong mas masakit ang labor kaysa sa tahi🤣 Wala rin akong anethesia even sa panganganak💖

Super Mom

Sa akin momsh hndi ko naramdaman ang pagtahi kasi tnurukan na akong anestahasia. Pagising ko tapos na, the next day konting kirot lng po, masakit lng pag umupo, maglakad at umubo.

Naku mamsh parang kinukurot kalang Ng isang baby, halos dimo na maramdaman Ang pagtahi dahil sa sakit Ng paglabor at excitement mong mayakap Ang anak mo.

Thành viên VIP

masakit po kahit may pampamanhid. isipin mo nalang sis na makakaraos ka din. tiis yung sakit. pero wala pa ring tatalo sa labour 😅

Hindi, kc naforce na pwerta mo. Ang maskit ung kapag nililinisan na Loob mo pra kunin ung inunan ng bata.. Anyway makakaya mo yan!

Thành viên VIP

sakin parang wala na sakin yung tahi kasi manhid na katawan ko sa sobrang sakit ko sa labor parang nakaraos na ako .

Thành viên VIP

Masakit OO ramdam na ramdam mo pero di ko na ininda yun lalo na nakita ko na si baby na malusog at normal..