11 Các câu trả lời
Try po ninyo ni partner magtake ng POWER TRIO (fern d, fern activ at milkca) ng ifern. Base po kasi sa experience ko ilang years na po kami ni hubby nagtry pero bigo then may nagsuggest po sa amin nito at ilang months lang po positive na po. Ngayon 4 months na po si baby namin. Wala naman pong masama kung susubukan po ninyo. Search mo po ung product para malaman mo po kung gaano po siya effective dahil sa dami na po ng natulungan.
Same my both pcos din ako tpos irregular p period ko minsan 4months ako wla period sbi ng ob ko s saudi wla n dw ako posibilidad magka baby pero eto buntis nman ako my nireseta sya n parang pills ok naman..pero late kona nalaman n buntis pla ako 3months n kung wla p ngsabi n try mo mg p.t kc suka ako evry morning which is natural un sakin..share lng my pag asa ka 8yrs anak ko d nasundan
Eto result ko kahapon sa trans v. Saya no? PCO both ovaries, retroverted uterus plus thin endometrium. 😆😆 Pero at least monthly ang period mo, ako kasi there was a time na 76 days straight walang period. Pero ang baby ko pa-5 months old na 😊🥰 Wala akong ininom na kahit na anong meds, it just happened. 🥰 Try and try lang mamsh and of course healthy living ❤️
Both ovaries ko po Polycystic. Last April 6 pinagtake ako ng metformin ng OB ko and contraceptive, pero hindi ko tinake yung contraceptive, yung metformin lang, within that month, super exercise din ako. May 30 nagpositive ako sa pt at naconfirm sa UTZ. May pag asa momsh. Pray din lagi.
dont fret! 50% of women in this world have polycystic pero nakakabuo parin sila its harder pero hindi possible first is to change your diet. lessen white rice, lose weight if needed. lessen sugar second track your ovulation third regularly see your ob
Agree po ako dito,, Nag try din ako mag fertility pills ng ilang session for 2 years pero hindi nag work,, pero nung bumaba timbang ko nabuntis po kami agad,, 😉
Same po tayo.. both ovaries ko po polycystic pero monthly naman ang mens unlike sa iba na as in months ang gap.. as of now nag papaalaga po kami ni hubbg sa OB and nasa 2nd cycle na ako with fertility drugs.. sana this time successful na..
Pcos both ovaries din ako. Nalaman ko na may pcos ako nung nagpa tras v ako and 7weeks pregnant na ako nun. Prayers lang ginawa ko nung hirap kami mag conceive. And thank god im 7 months pregnant today. God is good 💕☝
PCOS both ovaries, tas retroverted pa. Folic acid, metformin at glutha nireseta saken. 13weeks preggy na. Wag mawalan ng pagasa, dadating din si baby sainyo.
Ako po left ovary ko din po polycystic. Monthly din po mens ko and di ako mataba. Preggy na po ako ngyon. 33weeks na 😊 Pray lng po and healthy life style.😊
Meron akong friend, may ganyan rin sya, pero nabuntis siya at nanganak na. 3 months na baby niya.
Ayy thankyou po hehe may pag asa pa pala😘😇
Rachelle Requiz