Paano lumakas ung gatas niu?
Paano po ba lumakas ung breastmilk niu? Ako nabibitin c baby pag nag breastfed sya sakin. Kya nya ksi 4oz na sa isang inuman lng
Unli latch po. Sabi kc sa mga videos sa youtube pag daw na empty ni baby ung breast ibig sabihin magpproduce pa ng more milk. So kailangan lang po ma empty nya para more milk. And healthy food. Ako naglalaga ako ng malunggay un ang pinaka water ko. Lakas ng milk ko. Lungad lungad minsan si baby 😅
1. Unli latch 2. Mainit na sabaw 3. Water before, during & after bf 4. Milo 5. Mega malunggay capsule 6. Lactation cookies, spread or drinks (hit choco) 7. Gatorade 8. Wag magpa stress sa mga nagsasabi n walang nalabas n gatas. O mg formula n lng.. 9. Think positive and Happ thoughts.
Đọc thêmManiwala sa kakayahan ng katawan mo. Unlilatch lang mamsh. Tas more water and malunggay supplement din. Ako feralac gamit ko 500mg na sya compared sa natalac na 250mg lang and the best part almost 200 lang 100pcs nya.😁 sa shopee po ako nakabili..😊
pano po inumin feralac mamsh, after po ba kumaen?
More on sabaw, tinola with malunggay and papaya and imbao soup. Pansin ko kapag yan kinakain ko, sumisirit talaga bm ko. Also always drink water para mahydrate ka momsh. Unlilatch din.
same prob here. . . kaya struggle tlga mgpadede, di nabubusog agad ang bby. sabi nmn ng ob q padedehin lg ng padedehin ang baby kasi lalabas rin ung gatas pg my dumedede.
Sabaw po then 2x a day na malunggay capsule. Pa heart naman po ako, thank you po. 🥰😍 https://community.theasianparent.com/booth/359613?d=android&ct=b&share=true
Đọc thêmUnlilatch lang mommy then more on water ka at masasabaw na pagkain much better if samahan mo ng malunggay para mas dumami pa supply mo ng breastmilk
Lakas ng baby mo momsh hahaha. Sabi nila puro food na masabaw lang daw. Syempre na may gulay. Mag milk ka din. Wag coffee. At more more water
Inom ka po buko juice after nun kusa tutulo tlga ung milk mo.. proven ko po yan ganyan ginagawa q kc mahina din po ang milk q
ako po kasi hinihilot, tapos laging malunggay :) hanggang mag 2years old yung first ko breastmilk pa din :)
Got a bun in the oven