Pagdidisiplina sa anak na sobrang kulot
Paano ko po ba madidisiplin ang anak ko 5 years na di ako sisigaw. Sobrang hyper at kulit po kasi nya. Hindi po siya nakikinig sa aming mag asawa kapag binabawalan po namin cya Lalo pa po nya ginagawa yun mali.
Discipline with love po, iba iba rin po kasi ang mga bata. Depende rin po sa paligid niya. Kung dinidiscipline niyo po sya dahil mali ang ginawa niya but then may nakita syang mas nakatatanda sa kanya na ganun din at hindi na madiscipline mahirap mapasunod. Kaya better to start din sa mga nakakatanda. Lead by example, show them how, wag lang po puro kailangan ganito ganyan. Sa tahanan, mainam na maituro po ang magic words: Please, Thank you, Sorry, You're Welcome. Mas nagiging mabait po ang bata if we feel how they feel, and it deepens our relationship to them. Be firm when you say no, and pag mali. Explain it to them afterwards kung bakit niyo po ginawa yung way ng disiplina na yun sa kanya. I'm a preschool teacher before, mahirap pero little by little magagamay niyo rin po ang anak niyo. Also be teachable rin, kasi hindi lang tayo ang nagtuturo sa mga bata, we also learn from them. Include in your prayers din about guidance on how to properly discipline your child.
Đọc thêm