FTM vs atribidang tita in law

Paano ba magset ng boundaries nang hindi nagging bastos? I'm a first time mom with a 3 week old baby and may atribidang tita ung husband ko na tuwang tuwa sa anak ko. Very helpful din naman sya. Pero sapul nya ung inis ko for few reasons *Tuwing dadating sya from work pupuntahan ung baby ko tapos hahalikan sa mukha. Walang shower walang hugas ng kamay. Ako na nanay takot na takot humalik sa anak ko. Ang lakas pati ng boses na matinis grabe nakaka annoy. Ako na adult nasasakitan ng tenga pano pa ung baby. Bat ba kase kayo sumisigaw pag may kausap kayong baby? May signal naman. *gigisingin ung anak ko kahit tulog para paglaruan. Tapos pag tumae ibabalik sakin para palitan diaper. *alam nya pati na hindi ako naniniwala sa pamahiin. Hindi ako RC pero she insists na maglagay ng rosary ng crib ng anak ko at sinabitan pa ng anting anting ung anak ko without asking me kung okay lang. Etong asawa ko nilagay pa din sa crib ang rosary without me knowing para daw tahimik ang buhay. I know some will say na walang mawawala kung susundin. Pero wala din mawawala kung hindi ko ilalagay. Kung respeto naman ang paguusapan irespeto din nila ako bilang nanay ng anak ko. Ako ang magdedesisyon hindi sila. Ask me kung okay lang dahil ako ang nanay. *Babies are magugulatin pero paulit ulit nya sinasabi na isabit sa bintana ung pusod ng anak ko para daw di magugulatin. Yung tone nya pautos. "Asan ba yung pusod nito? Akin na nga. sabi ko sa inyo isabit nyo para hindi magugulatin e." *Bigyan na din daw ng formula ung anak ko dahil hindi nabubusog sa gatas ko. Gusto nila maging waterfalls yung bewbie ko at malunod sa gatas si baby. Everyday may ganyang comment. Today sa sobrang inis ko I said "no. Breastmilk lang po" Nakakainis to para sa breastfeeding mom. Hindi sya nakakatulong para dumami gatas ko. 😂 Triggered talaga postpartum inis ko. Di ako naimik or sumasagot sa mga sitwasyon na to pero parang wala silang clue na hindi ako natutuwa. Feeling ko I can't mother my child. Please help😂

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nako mommy, I know the feeling! Noong bata pa ang baby ko, may ganyan talaga, maraming nakikialam. Pero mom, IKAW ang mommy ng baby mo. What you say goes. Kausapin mo ng maayos yung taong ito, ipaliwanag mo na bilang ina, ikaw ang magc-call ng shots, ikaw ang masusunod sa pag-parent mo sa anak mo. Ask your husband to help and air your grievances. And if ayaw ka pa rin tantanan at wala pa ring nagbago: pasok sa tenga, labas sa kabila. Focus all your energy on your family. Your child doesn't need them, after all, dahil andyan ka as their mom.

Đọc thêm

Try saying, "Tita, I really appreciate your excitement for the baby, but there are some things na gusto ko sanang maging clear. First, please po maghugas ng hands bago hawakan si baby. Takot po akong magka-sickness si baby. Also, kung okay lang po, sana huwag muna gisingin si baby habang natutulog siya. Kailangan po niya ng tulog para mag-grow nang maayos." Pagdating naman sa boses, pwede mo rin sabihin, "Tita, sorry po, medyo sensitive pa si baby sa malalakas na sounds, kaya sana po medyo softer po tayo." Ganoon lang, firm pero hindi masama. 💕

Đọc thêm

nakakapikon naman yan mi, ang sarap sagutin ng pabalang 😭 di ko din kaya yung walang ligo tapos ikikiss si baby lalo na sa muka juskopo 😭 may inlaws din akong opinionated pero hindi ganyan kalala. ang ginagawa ko lang sinasagot ko ng maayos at pabiro.. baka effective naman sa tita-in-law mo.. kung hindi effective, pagsabihan ng straight to the point. kung ayaw parin makinig, it’s time na i-lock ang pinto at wag na papasukin sa bahay si tita 🤣

Đọc thêm

ay talagang nakaka inis ang ganyan mima 😂 pero ako talagang nag mama Tigas ako, kahit naman mAhinahon ako mag paliwanag or di ako iimik sasabihin bastos pa rin Kasi diko nga ginagawa Yung mga pinagagawa nila 😂 pero mima ask ko lang ganun din Kasi sakin 🥺 Yung gatas ko is parang kaunti Kasi para ngang di nabubusog baby ko Kasi bumaba Yung timbang e. 2 months na sya pure breast feed Po ako 🥺 diko Kasi afford mag formula hahayss

Đọc thêm
4t trước

Ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ Also, babies don't only nurse on our breasts for feeding purposes but for comfort as well. Make sure rin po na tama at nakadeep latch si baby para sure na efficient ang pagkuha nya ng milk sa inyo. As long as pasok naman po sa normal range ang weight ni baby, you shouldn't worry as hindi po talaga tabain ang mga breastfed babies ☺️

Ikaw po ang nanay kaya dapat ikaw po masusunod. Kausapin nyo po. Delikado po ung hinahalikan ang baby. May mga baby na po namatay dahil nakakuha ng virus, germs, bacteria etc dahil dyan. Mahina pa po immune system nila. No to formula din if nakakapagbreastfeed ka naman po. And magugulatin tlaga mga babies, mawawala din po yan thru time.

Đọc thêm

First sentence pa lang na (from work yung tita at daretso sa 3 weeks old baby). Hindo na kinaya ng inis ko sa tita in law mo 🤦🏼‍♀️