byenan na pakialamera

Pa voice out mga momsh!, napakahirap malagay sa sitwasyon na lahat ng kilos pinapakialaman ng byenan, ultimo kung ano susuotin ng baby ko dapat ganito ganyan porke sya may bili mga gamit ng baby ko (wala kasi work asawa ko mula nung nabuntis ako e), ang hirap sumagot hnd ko kasi ugali makipagtalo sa mga walang kwentang kausap haha pero totoo palagi magaling byenan ko gusto nya sya lang palagi tama, minsan naisip ko kung lumayas kaya kami ng apo nya para matauhan naman sya, pakiramdam ko kasi wala ako karapatan sa anak ko pano pa kapag habang lumalaki anak ko baka ma spoiled nya lang. Ayoko mangyari yun. Pati sa pagpapakain sa baby ko sya nagdedecide 6months na baby ko pero marunong ako mag alaga ng baby dahil panganay ako sa 7 magkakapatid kami. Kapag sinasabi ko sa asawa ko magbukod na lang kami ayaw nya nagagalit lang sya sakin kasi nag iisa na lang dw magulang nya iiwan nya pa at nag iisang anak lang din kasi sya. Nasa huli talaga pagsisisi :( Enlighten me mga momsh hnd ko talaga alam gagawin ko :(

37 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mahirap kasi situation mo sis kasi nakikitira lang kayo and sabi mo nga since nabuntis ka eh hindi na nag tatrabaho yung asawa mo. Ibig sabihin umaasa kayo ngayon sa in-laws mo. Dapat kasi pag nag plan na kayo mag start ng sarili niyong family, dapat din naka plano na kayo after kasal na bumukod. Mas okay kasi na tumayo kayo sa sarili niyong paa. If di pa po kayo makakabukod, makisama nalang po muna kayo.

Đọc thêm
5y trước

Ako sis only child din po ako and wala na rin papa ko last year lang kaya nasa amin nakatira yung mama ko now. May sarili din po kaming bahay mag asawa. Dapat din po nag tatrabaho yung asawa ko di yung aasa siya sa mama niya. Mahirap yan kasi may binubuo na kayong family. Dapat responsible na siya.

Sa ngayon tiisin mo na muna kasi sabi mo walanh work si hubby mo. Paano kayo if ever especially ngayon lockdown di ba. Pag nagkawork na siya ulit leave and cleave na, sabhin mo pagweekends nalang kayo dumalaw. Kung ayaw niya uuwi ka nalang kamo sainyo. Pagusapan niyo maigi yan. Or magopen up ka sa biyenan mo tutal ganon na din naman yinh cinfrontation eh. Maigi na yung alam din niya.

Đọc thêm
5y trước

Salamat sis

Thành viên VIP

Anak mo yan at ikaw ang mas may karapatan dyan. Dapat talagang mgbukod kayo kasi hanggat nandyan kayo di talaga maiwasan na may makialam sa inyong desisyon. At talagang dapat kayo magbukod dahil nasa bible iyon. Magpasensya nalang muna po kayo dahil nasa bahay kayo ng byenan nyo at huwag nalang pansinin ang mga ginagawa nya. Ikaw pa rin naman ang nanay ng anak mo at wala ng iba.

Đọc thêm
5y trước

Oo nga po eh. Kaso sabi ng asawa ko hnd nya kaya iwan mama nya at nag iisa na lang, naawa dn naman ako kaso kapag naiisip ko pakikitungo sakin ng byenan ko nagbabago isip ko.

Ang tanong mamsh,sa poder ba kayo ng biyenan kayo nakapisan? Kasi kung oo,wala kayong magagawa kundi ang makisama.kasi bahay niya yan. Kahit anong gawin,siya ang reyna kasi bahay niya yan. Kung ayaw nyo sa rules niya o pangingialam niya,either kausapin ng asawa mo ng malumanay para maintindihan ng biyenan mo,o umalis kayo sa bahay ng biyenan mo.

Đọc thêm

Mamsh hyaan mo lang sya mag tatalak ng mag tatalak jan basta ung sayo ung gawin mo. Haaaayy naku tlga pag tumira kna sa bahay ng byenan mo lahat ng kilos mo bantay sarado haha. Okay lang yan sa umpisa lang nakakafrustrate. Pag sabihan mo din siguro asawa mo tungkol sa nararamdaman mo about sa ginagawa ng nanay nya

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kaya mahirap ang tumira sa isang bubong kasama ang pamilya ng asawa mo e. Dapat isa sa goal nyo ang makabukod. Para mag grow din kayo as partners and parents po. For now, makisama ka nalang din po. If feeling mo sobra na for your baby, let her know. Apo nya yan kaya sure ako mahal na mahal nya yan. ☺️

Đọc thêm

Bumukod kayo. Yan ang sagot. Kasi hanggat nandyan kayo ganyan tlga gagawin ng InLaw mo ksi bahay nya yan eh kumbaga siya ang mas may karapatan sa lahat at sa pakikialam. Ngayon kung ayaw nman ng Asawa mo bumukod dahil sa reason din nya,.. Aba'y kausapin mo din siya ksi hindi nman pwede yung ganyan

Ang hirap tlaga pg ksama mo sa bhay ung byenan mo tapos ganyan pa ung ugali.. buti nlang ako swerte ako sa byenan.. tsaka kaw dpat msunod kase ikaw ung mgulang.. sila pwedeng sumuporta, tumulong or mgbigay lang ng advice.. hindi ung sila ung msusunod.. mgsnda kausapin din sya ng asawa mo..

Ganyan po talaga mga in laws, I think po para sa kanila yan ang way nila to express yung love nila. I appreciate nyo nalang po, or if talagang nabobother na po kaya kausapin nyo po ng mahinahon na hindi sya mahuhurt kasi may edad na po mga yan 😊 Stay Safe God bless 😊

Nakadepende po kayo kay MIL kasi walang work si hubby. Mostly sa kanya galing mga gamit ni baby kaya feel nya ang authority. Sa side naman ni hubby. Kahit ako po di ko iiwan ang nanay ko kasi solong anak ako at wala ng ibang mag aalaga sa kanya.